Nagising ako na wala na naman si Uno. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiyak sa banyo dahil doon. Alam kong wala sa office si Uno. Baka busy sa pag-aayos ng nursery para sa anak nila ni Stella. Kahit wala akong ganang kumilos ay pinilit ko pa ring ayusin ang sarili ko. Bago ako pumasok sa banyo kanina ay tinawagan ko na ang abogado ko. Hindi ako magiging hadlang sa relasyon ni Uno at ng kasintahan n'ya. Lalo't magkakaanak na sila. Hindi ko aagawan ng buong pamilya ang anak nila. Nakipagkita ako sa abogado. Naiwan lang sa labas ang mga bantay ko, habang narito ako sa loob ng restaurant at kaharap na si Attorney Rumbao. "Pangarap ng asawa ko ang magkaanak, attorney. Pero parang nasa akin talaga ang problema. Kaya willing akong palayain siya kahit hindi ito madali sa akin." "