Iniirapan ako ni Uno. Simula pa iyon kagabi. No'ng tinawag ko siyang housemate. Ngayon na bumibiyahe na kami para sa bakasyon na ito ay hindi pa rin maganda ang mood ng lalaki. Kasalanan ko. Pero hindi naman ako magso-sorry. Anong gusto n'yang itawag ko sa kanya? Tropapits? Tinapos lang talaga ang mga nakalinyang projects ko. Dahil si Uno naman ang boss ay walang problema rito kung sa schedule ko kami bumase. Nagmamaneho ito, habang ako'y passenger princess ang datingan. Nagna-nail file pa nga ng kuko. "Wala na akong naisip na dahilan kay Kid kagabi. Kaya sa office na lang ako ni daddy nagpahatid. Galit ka pa rin ba?" "Don't talk to me." Cold na ani nito. "Okay. Basta huwag mong kalimutan iyong usapan natin. Hindi kasama ang selos sa marriage natin. Feeling ko kasi'y nagseselos ka. Baw