"Mabuti na ang kalagayan ng anak ko, Uno." Naglabasan na ang ibang ka-meeting namin. Pero nagpaiwan si dad, si Ninong Yko, at si Uncle Soul. Nahinto ako sa pag-aayos ng gamit ko. Saka ko ito sinulyapan. "Glad to know that, Ninong." "Naipaliwanag n'yo na sa akin ang mga nangyari, pero kay misis ay hindi pa. Sa tingin ko'y dapat n'yo na akong i-allow na ipaalam sa kanya. Mas gugustuhin pa rin kitang son-in-law, Keiro. Kaya dapat nililinis mo na sa asawa ko ang pangalan mo. Si Bible ay masyado nang ipinagtutulakan ang anak ko kay Kid. Mabuting tao naman si Kid. Pinaimbestigahan ko na iyon bago pa man maging bodyguard ni Bithiah. Pero mas gugustuhin ko pa ring ikaw ang piliin ng anak ko." "Thanks, Ninong Yko. Pero mas makabubuti pong matiyak n'yong kayo lang ni Auntie Bible ang mag-uusap