"Slowly move your hand like this." Ipinakita ng photographer ang nais n'yang gawin ko. Kaya naman sinunod ko iyon. "Another one." Sunod-sunod na pagkislap ng camera, habang tuloy-tuloy ang mabagal na paggalaw ng kamay ko. Ilang oras na kaming nagtratrabaho. Hindi man sobrang sexy ng mga lingerie, feel na feel ko pa ring ang sexy ko. Sa tela pa lang na ginamit ay gano'n na ang mararamdaman mo. Iyong mga shots pa na gusto ng photographer ay hindi sobrang daring, tamang angulo-angulo lang. Iyon naman ang gusto ng client, hindi ako pwedeng magreklamo. Nakita ko iyong secretary ni Uno kanina na kinausap iyong representative, pero hindi ko sure kung may kinalaman ba sila sa pagbabago ng concept. Nakailang palit na rin ako ng lingerie. Nananakit na nga ang bewang ko, pero wala silang reklamong