Mas naging panatag ako dahil naging maayos na ang lahat. Si Genevive ay makukulong ng 40 years sa bilangguan. Ang dami niya rin palang nagawang kasalanan. Nabalitaan ko rin na inatake sa puso ang kanyang ina. Habang si lolo at papa Max naman ay nakakulong na rin sa Mindoro. Lahat ng iyon ay ginawa ni Frosto ng sabay. Lumipas rin ang ilang buwan at magsasara na ang klase. Ang saya ko dahil nakasurvive ako ng isang taon sa college. Isang linggo na lang ang klase at pagkatapos ang pinaka hectic na araw ay hindi na maawat si Cristal sa pagyaya saamin na mag night out. "Sige na! Minsan lang naman! Kasama natin si Tala, tayong tatlo lang at si Nica naman ay nag shopping pa sa Macao for one week." Ngumisi ako at inayos ang pagluluto ko ng sinigang na isda. Si lola naman ay panay punta sa

