Halik Ang tawag ba nitong nararamdaman ko ay first love? Crush o puppy love? Kapag tinititigan ko si sir Frosto parang ang layo niya. Parang hindi ko masabayan ang mundo niya. Parang nakakahiya na isang katulad ko ay nililigawan niya. Panaginip lang ba ang lahat na ito? Nang matapos na ang pagbalot sa pagkain na binili sakin ni Frosto ay kinuha niya lahat iyon. Ang dami. Titig na titig ako sa pagkain na hawak niya. "Nasaan na ang lola mo?" tanong niya. Tumayo rin ang kaibigan niyang si Axel. Ang taas nilang dalawa kaya kailangan ko pang tumingala para lang makasagot ng maayos sa kanila. "Uhm, doon." turo ko sa pabilog na halaman. Tumango siya at walang hirap na dinala ang mga pagkain. Pasipol sipol naman si Axel at inaasar si Frosto. "Dude... this is not you." anito pa na hi

