Ligawan Hindi ko na siya nilingon pa dahil sa takot na baka hindi na naman niya ako pansinin. Wala akong tulog kagabi sa hindi malamang dahilan. Sa skwelahan ay naging normal tulad ng mga nagdaang taon ang aking araw. Ngayon ang botohan ng mga gagawing opisyales sa loob ng aming classroom. Tahimik ako sa gilid na nagmamasid ,minsan nakikitawa sa kanilang tawanan. May mga na boto na para sa ibang posisyon at ang muse nalang ang hindi pa. "For our muse... sino ang gustong-" "Ma'am, si Vicky po!" ani ng kaklase ko. Ngumisi si Vicky at taas noong hinarap ang aming mga kaklase. "Who else?" "Ma'am , si Soledad Martinez po!" Umawang ang labi ko at napaayos ng upo. Natahimik ang kaninang maingay na grupo ng mga kaklase ko. Umiling ako ngunit ni close na ng isang kaklase ko ang boto

