Mahimbing ang aking tulog. Pakiramdam ko,iyon na ang pinakamasarap na tulog ko. Hindi ko alam kung bakit. Maganda rin ang aking panaginip. Ang aking mahimbing na pagtulog ay nagwakas ng masilaw. Nang unti-unti akong dumilat ay nakita ko na hinawi ni lola ang kurtina sa aking kwarto. Namalayan ko nalang na wala na si Frosto sa tabi ko. "Magandang umaga lola." bati ko kay lola. Ngumiti siya sa akin at nakita ko ang mumunting luha sa gilid ng mga mata niya. Nag-sink in sa akin ang mga nangyari kagabi. Maaari na sinabi sa kanya ni Frosto. Kinagat ko ang aking labi at umupo sa aking tabi si lola. Hinawakan niya ang aking kamay at bumuhos ang aking luha. "L-Lola...Mahal na mahal ko si Frosto." Tuluyan na akong umiyak. "Sol.... Apo ko." nanginig ang kanyang labi habang pinupunasan ang

