Nasa isang kwarto ako at umiiyak. Mamayang gabi ang pagpunta namin sa isang party. Kaninang madaling araw ay nagbiyahe kami patungo dito sa Maynila para lamang doon. Ni hindi ko alam kung anong hotel itong tinuluyan namin dahil lutang ako kakaisip. Hindi mawaglit sa isipan ko ang mukha ni Frosto. May sarili akong kwarto na nakabukod kay Max at Don Septimo. Ang isang kapatid ni Max naman ay bumalik ng Amerika. Iilang katok sa pintuan ang aking narinig. Huminga ako ng malalim at nilapitan ang pintuan para buksan. Isang babae ang bumungad sakin. "Good afternoon ma'am. Here's your food." Nakita ko nga ang mga pagkain sa tray kaya pinatuloy ko siya. "Salamat po." "Tsaka po ma'am sabi po ng Don Septimo ay suotin niyo itong damit para mamaya. I'll be right back for your hair-do and

