Nasa pasilyo na ako ng maramdaman ang kahihiyan at kaba kaya ako'y huminto. Hindi nagtagal ay naramdaman kong' nakasunod sa akin si Austin. Nakapamulsa siya at preskong humilig sa pader at tumingin sakin. "Talk to him." marahan siyang ngumiti sa akin. Alam kong magaspang ang pagkatao ni Austin pero pagdating sa akin ay nagiging malambot siya dahil siguro sa pisikal ko na anyo. Na akala nila baka mahina ako. Sa totoo lang, kaya kong' ipaglaban ang taong importante sa akin. Kaya ang bitawan si Frosto ang pinakamasakit na parte para sa akin. Parang iyong kalahati ng puso ko ang nawala. Parang may kulang sakin araw araw. Ngumiwi ako sa kanya dahil parang natakot ako na baka supladuhan na naman ako ni Frosto. "O-o, pero baka mamaya na? May kasama kasi s-siya." Humalakhak si Austin

