Parang hindi ako makapaniwala. Hindi makapaniwala na ang labi ni Frosto ay lumapat sa labi ko. Kinagat kagat ko ang aking labi habang pa ulit ulit na hinahaplos iyon. Iba pala ang pakiramdam! Pumikit ako at napapadyak ng paa. Inaantay ko si Frosto na lumabas ng banyo. Pagkatapos ng halik niya sa akin ay mukhang nahihirapan siya at nagpaalam na maliligo at mamamasyal raw kaming dalawa. Tingin ko babawi siya sakin dahil sa pagtampo niya. Hindi ako handa ng bumukas ang pintuan. Napunta doon ang aking mata at nakita ko si Frosto na nakabihis na. Nahihiya akong ngumiti sa kanya dahil ng tumingin siya ay wala man lang ka ngiti ngiti ang labi niya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. "Aalis na tayo?" tanong ko at inayos ang aking t-shirt na nayukot kakaupo. Tumango siya sakin at n

