Tinatawagan ko si Frosto habang abala ang mga kapitbahay namin sa pagtulong sa amin. Ang kabaong ni lolo ay nasa loob ng bahay. Si lola ay nakatingin lamang doon at nakatulala. Ako'y hindi makapaniwala. Isang higlap lang ay ganito na ang nangyari. Hindi ko rin masyado makausap si lola kung ano nga ba ang nangyari. Ang mga kapitbahay ay tikom rin ang bibig at tingin ko'y naghahanap ng tiyempo na isatinig sa akin. Dalawang araw na ang nagdaan at marami ang tumulong samin para sa lahat. Para maasikaso narin ang pagpapalibing kay lolo. Namumugto ang aking mga mata habang tinititigan ang mga abalang tao sa bahay. Hindi sinasagot ni Frosto ang aking mga tawag. Tinitigan ko ang cellphone na binigay niya sakin at hindi nawalan ng pag asa na tumawag muli. Sa huli, kanya iyong sinagot. "

