Sinawsaw ko ang tinapay sa milo na aking kakatimpla lang. Nakatitig ako kay lola habang si lolo ay nasa labas at nagpapainit ng kanyang katawan sa araw. "Lola..Magtinda kaya ako ng gulay ulit? Sasamahan ko si lola Thelma?" "Soledad hindi pa nakakabalik ng tinda si lola Thelma mo dahil sa nagkasakit rin siya. Hayaan mo na at marami naman tayong gulay sa likod ng bahay at de lata." Huminga nalang ako ng malalim at hindi na sumagot pa. Iniisip ko kasi na...wala akong pang bili ng para sa projects ko. Require iyon bago magkatapusan. Mag eenrol ako sa publikong kolehiyo tsaka yung uniporme ko. Pumasok na sa isipan ko na tanggapin ang alok na scholarship ni Don Septimo. Ang sweldo ko kasi sa eskwelahan bilang janitress ay papacheck up ko kay lolo at ibibili ng gamot niya. "Hm, la. Anong or

