Nakahiga na ako sa kama dahil nasa loob na ako ng kwarto pero hinde pa din maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Vince sa akin kanina. "HUWAG MO AKO KAKAAWAAN AT LALONG HUWAG MO AKONG MAMAHALIN" Parang paulit-ulit na naririnig ko sa isipan ko ang mga salita na iyon. Narinig ko ang tila pagbukas nang pintuan kaya kaagad ako na pumikit. Dahil alam ko na si Vince ang papasok sa loob.
Narinig ko din ang pagbukas pa nang isang pintuan kaya alam ko na banyo naman iyon.. Kaya iminulat ko na ang mata ko at napatingin sa pintuan ng banyo kung saan naririnig ko na ang tunog ng tubig na nangagaling sa gripo. Napatingin din ako sa saplot niyang hinubad na nasa sahig sa tapat ng pintuan sa banyo.
"Vince paano ko ba maalis ang galit sa puso mo? Alam ko may pumipigil sayo para mas lalong mapalapit sa akin. Pero naumpisahan mo nang iparamdam sa akin kung paano ka mag-alala sa akin. Ano ang ibig sabihin ng mga pinapakita at pinaparamdam mo sa akin ngayon? bakit ayaw mong mahalin kita kung iyon naman ang pinaparamdam mo sa akin?"
Mga tanong sa isipan ko habang napako ang aking paningin sa pintuan nang banyo kung saan nasa loob siya. Pero hindi ko napaghandaan ang biglang pagbukas nito kaya nagtama bigla ang aming mata. Huli na para iiwas ko pa ang aking panigngin sa kanya. Bumaba ang mata ko sa malapad na dibdib niya kung saan muli ko na naman nasilayan ang maraming latay at sugat na medyo patuyo na din naman, pero ang mga bakas ng latay na iyon ay tila mananatili na bakas at kailanman ay hinde na mawawala.
"Hinde ka paba inaantok?"
Tanong niya sa akin. Kinuha niya ang T-shirt na nasa Sofa at sinuot ito pati na din ang boxer short niya. Dahil nakatapis naman siya nang twalya kaya hinde na siya tumalikod sa akin para suotin ito. Hinde rin naman ako pumikit o tumalikod man lang. Hinde ko rin alam kung bakit gusto ko pagmasdan ang katawan niya lalo na ang dibdib niya na kung saan maramimg bakas ng mga latay. At bakit pagdating din sa kanya nawawala ang hiya ko at marami din ako nadidiskubre sa sarili ko.
"Hinde ako makatulog eh"
Sagot ko lang sa kanya. Nakita ko na naglatag na siya ng sapin sa sahig. Ang ibig sabihin duon ulit siya matutulog. Sobrang lamig kaya sa sahig.
"Bakit diyan ka matutulog Vince? Malamig diyan! dito kana lang sa tabi ko!"
Napahinto siya sa pag-aayos niya sa kanyang hihigaan sana.
"M'Malamig kasi diyan Vince, K'Kasya naman tayo dito e"
Sabi ko ulit sa kanya. Napatingin naman siya sa akin. Hinde ko mabasa kung ano ang nakabakas sa kanyang mukha. Nakita ko na niligpit niya ang sapin na hawak niya at naupo na sa kama kung saan ako nakahiga.Umusog ako para makahiga na rin siya.
Nang mahiga na siya biglang bumilis ang t***k nang puso ko. Mas kakaiba ngayon basta hinde ko siya maipaliwanag siguro kasi parehas kaming gising na magkatabi sa higaan. Dahil nakakumot ako dahil sa sobrang lamig talaga sa lugar na ito lalo na sa gabi. Kinumot ko din sa kanya ang kalahating kumot na gamit ko. Kaya napatingin na naman siya sa akin,
" L'Lalamigin ka k'kasi eh!"
Sagot ko ulit sa kanya, dahil kakaiba na naman ang kanyang tingin sa akin.
"Matulog na tayo Sierra tama na iyang pag-aalala mo sa akin!"
Sagot naman niya sa akin. Kaya tumalikod na ako patagilid sa kanya. Hinde ko alam kung nagtatampo ba ako sa naging sagot niya sa akin, Dahil ganito talaga ako pag hinde man lang pinapahalagahan ang mga pag-aalala o pagmamahal ko. Kaya masyadaong maingat ang pamilya ko pagdating sa maari kong maramdaman, Sabihin nang mahina ako na hinde katulad ni Savannah na lahat ay kayang intindihin ang nangyayare sa paligid niya. Isang beses ko lang siya nakita nang kahinaan ng loob nang mga panahon na nagdadalang tao siya sa lalaking mahal niya at ang akala niya ay niloko lang siya at hinde siya minahal.
Naramdaman ko na may dumantay sa bewang ko na isang braso at inusog pa niya ako palapit sa nakatagilid din niya na katawan na paharap sa likod ko.
"Malamig nga, pwede ba payakap Sierra? Mainit kasi ang katawan mo eh!"
Narinig ko na sinabe niya habang ang mukha niya ay alam ko na nasa batok ko, Dahil ramdam ko duon ang init nang kanyang hininga.
"Sorry' hinde lang kasi ako sanay na may nag-aalala sa akin. kaya hinde ko alam kung paano ang tumugon sayo, Pero pwede mo ba ako turuan kung paano tumugon sa paglalambing ng isang Sierra Casimiro Baby?"
Malambing ang kanyang boses habang sinasabe niya sa akin ang mga iyon. Naramdaman ko din an unti-unti na niya ako hinila paharap sa kanya, Sa pagtatama nang aming mata kaagad napatingin ang kanyang mata sa labi ko. Naramdaman ko na humaplos ang dalawang daliri niya sa labi ko. Napapikit ako sa ginagawa niya dahil may kakaibang pakiramdam sa akin ang dahan-dahan na paghaplos ng kanyang dalawang daliri sa labi ko.
"Patawad sa labi na ito dahi sa unang karanasan niya ay isang marahas na halik ang kanyang natikman"
Naramdaman ko na bahagya na dumampi ang labi niya sa labi ko. Magaang ang halik niya halos may pag-iingat tila ba takot iyon na masakatan ang labi ko. Naramdaman ko naman ang kanyang kamay sa mata kong nanatili na nakapikit. Kung paano haplusin kanina ng kanyang kamay ang labi ko kanina ganoon din ang ginawa niya sa dalawang mata ko na nanatili pa rin na nakapikit.
"Patawad din dito sa maamong mata mo na ito, Dahil naranasan niya ang magalit at umiyak sa harapan nang isang estranghero na tulad ko"
Muli ko na naman naramdaman ang labi niya na dumampi sa dalawang mata ko na nakapikit pa rin.
"Idilat muna ang mga mata mo Sierra Baby?"
Dahil sa sinabe niya unti-unti ko idinilat ang mata ko.Nagsalubong ulit ang mata namin sa pagkakataon ngayon tila nababasa ko na kung ano ang sinasabe ng kanyang mata, "KATANUNGAN' PAGHANGA' PAGMAMAHAL"
"Vince.....'
Tanging nasabe ko lamang sa kanya, Dahil bigla niya tinakpan nang isang daliri niya ang labi ko.
"Simula ngayon Sierra kalimutan muna natin ang maraming katanungan sa pagitan natin. Ang gusto ko lang mangyari sa ngayon ay ang manatili ka sa tabi ko at kilalanin mo ang isang Vince Cordell kung karapat-dapat nga ba na Mahalin, Pero ngayon pa lang sinasabi ko na sayo masasaktan ka lang. Handa kaba Sierra?"
Ano ba ang dapat ko sagutin sa kanyang mga sinabe? Paano niya nasasabe na mamahalin ko siya? At dapat hinde ko rin siya mahalin? naguguluhan ako sa kanyang mga sinasabe sa akin. At paano naman niya nasabe na mahal ko siya? Halata ba sa mga kilos ko na may nararamdaman ako sa kanya? kahit na alam ko na sa umpisa pa lang ay may ginawa na siyang labis na kinagalit ko.