Sa gabi na malamig

1107 Words
Natapos ang maghapon na nakilala ko ang buong pamilya na kasama ko ngayon. Ang Isla pala na ito ay pag-aari ni Vince pinatira pala sila dito buong pamilya dahil wala naman tatao dito. At ang kabilang Isla pala na ilang araw namin na tinuluyan ay pag-aari pala ng Lolo ni Vince. Nasa loob na kami ng kuwarto kung saan kaming dalawa na lang ni Vince. Nakasandal ako sa pintuan habang nakatitig sa papag na nasa aking harapan. May kutson naman siya kaya tingin ko komportable naman ako na makakahiga. Pero hindi iyon ang pino-problema ko. Ang problema ko paano kami mahihiga na dalawa sa higaan na nasa aking harapan? Dahil hindi siya kalakihan para sa dalawang tao. "Tatayo ka na lang ba diyan?" Nagulat ako sa bigla niya na paglabas sa banyo na nasa loob din ng kuwarto. Nakaligo na pala siya. Napatingin ako sa katawan niya dahil tanging pajama lang ang suot niya. Nakita ko ang maraming parang latay sa dibdib niya. Para bang tila bago pa lang siya dahil namumula pa ang lahat ng latay na nakikita ko sa kanyang dibdib papaba sa tiyan na at meron din sa dalawang braso niya. Napansin niya ang pag-katitig ko sa mga latay na nasa kanyang katawan. Kaya bigla niya kinuha ang t-shirt na nasa ibabaw ng higaan at nagmadali siya na isuot ito. "Kung maliligo ka! maligo kana!!" Sabi niya sa akin na hindi ako tinitignan habang sinusuot niya ang kanyang t-shirt. Nagmadali naman ako kumilos dahil tila may galit na naman sa kanyang boses. binuksan ko ang maleta ko na dinala nila. Kumuha ako ng saplot ko at agad din ako pumasok sa loob ng banyo. Paglabas ko ng banyo wala na siya sa loob ng kuwarto. Kaagad ako lumapit sa maleta ko at kinuha ko ang blower ko. Habang nagpapatuyo ako ng buhok ko napatingin ako sa bintana. Madilim na sa labas tanging Isang maliit na ilaw na lang sa labas ng bintana ang nagbibigay ng liwanag dito. Dahil nakatingin ako sa labas ng bintana hindi ko alam kung tao ang nakikita ko na nakatayo sa ilalim ng puno sa hindi kalayuan mula sa kinaroroonan ko. Napabaling naman ang tingin ko sa pintuan ng kuwarto dahil bumukas ito at pumasok si Vince na may dala na dalawang baso binigay niya sa akin ang isa. "Inumin mo iyan" Sabi lang niya at muli ulit siya na lumabas ng kuwarto. Inamoy ko ang laman ng baso na binigay niya amoy lemon siya na may honey. Tinigil ko ang pagpapatuyo ng aking buhok at ininom ko ito. Muli ako napatingin sa labas ng bintana wala na ang tao na nakatayo na nakita ko. Baka guni-guni ko lang. Mula sa aking pagtulog nagising ako na kailangan ko magbanyo. Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog dahil ang pagka-kaalam ko nahiga na din ako sa higaan pagkatuyo ng aking buhok. Pagkababa ng aking dalawa na paa mula sa higaan. Muntik pa ako mapasigaw dahil may nakita ako na nakahiga sa sahig na tila nakatiklop ang kanyang mga binti dahil siguro sa lamig. Si Vince nasa sahig tila ginaw na ginaw. Malamig naman talaga sa loob ng kuwarto dahil na din siguro dahil sa parang gubat ang lugar na ito at malapit pa sa dagat. Bakit wala siyang kumot? Napatingin ako sa Papag kung saan ako nahiga. Nagsalubong pa ang kilay ko dahil bakit tatlong kumot ang nasa akin? tila lahat sila ay gamit ko? Muli ako napatingin kay Vince na nasa sahig. Kinuha ko ang dalawang kumot at kinumot ko sa kanya pagkatapos nagtuloy na ako sa banyo. Muli ako bumalik sa higaan ko. Napatingin muna ako kay Vince na panatag ng natutulog. Napangiti ako kaya payapa muli ako na nakatulog. Pagmulat muli ng aking mata bakit parang may mabigat na nakapatong sa bewang ko. At may makapal na kumot ang nakatalukbong sa akin? Sinilip ko ang loob ng kumot nagulat ako sa nakita ko dahil braso niya ang nasa bewang ko at ang mukha niya ay nasa leeg ko na. Napansin ko din ang kumot na gamit namin heto yung dalawa na kumot na pinatong ko sa katawan niya habang ang isa ay itinira ko sa akin. Ngayon ang tatlong kumot pinag-sasaluhan na ng aming katawan. Naramdaman ko na gumalaw siya kaya muli ako napapikit. Pero muli lang niya hinapit ang aking bewang para mas lalo mapalapit sa katawan niya. Hindi na ako muli pang nakatulog. Bakit ganoon? Ang alam ko galit ako sa kanya? namumuhi ako sa ginawa niya sa akin? Pero bakit mula ng masilayan ko ang maraming galos at latay sa katawan niya tila ba na para bang may humaplos sa puso ko. Narinig ko na may kumatok sa pintuan ng kuwarto na aming kinaroroonan. Nagkunwari parin ako na tulog. Naramdaman ko na tumayo siya pero bago siya tumungo sa pintuan inayos niya muna ang tatlong kumot sa katawan ko. "Vince lalakad na ako may ipagbibilin ka paba?" Narinig ko na boses ni John na tila may lakad siya. "Wala na mag-iingat ka siguraduhin mo na walang makakahalata sa mga kinikilos mo john" Narinig ko na sagot ni Vince kay John bago niya ulit isinara ang pintuan ng kuwarto. Hindi ko maidilat ang mata ko dahil pakiramdam ko nakatayo siya at nakatitig siya sa akin habang nakahiga pa rin ako. Naramdaman ko na naupo siya sa gilid kung saan nakahiga pa rin ako. Naramdaman ko din na inayos niyang muli ang kumot ko at muli na siyang tumayo. Minulat ko nang bahagya ang aking mata. Nakita ko na nagtungo na siya ng banyo. Naupo na ako mula sa pagkakahiga ko. Nang tuluyan ng matanggal ang kumot sa aking katawan naramdam ko ang lamig sa loob ng kuwarto lalo na siguro sa labas ng bahay. Sa isip-isip ko. Nakita ko naman na lumabas na si Vince mula sa banyo. Muli ako napatingin sa katawan niya. Muli na naman napako ang paningin ko sa mga latay niya sa kanyang katawan. "Huwag mo titigan ng ganyan ang katawan ko. May binubuhay na kung anong init sa katawan ko ang mga titig mo" Biglang sinambit ng kanyang labi. Hindi ko alam kung namula ba ang mukha ko sa sinabi niya. Kaya iniwas ko na lang ang paningin ko sa kanya. "Vince napaano iyang marami mo na sugat?" Pagtatanong ko sa kanya na hindi ko siya tinitignan. Kaya ko naman iyon naisipan na tanongin sa kanya. Dahil naalala ko ng minsan na pilitin niya na may mangyari sa amin ay nakita ko pa ang katawan niya na wala pa ang mga latay na iyon sa kanyang katawan. "Parusa ko ito sa aking sarili" Narinig ko na sagot niya sa akin..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD