Habang nasa dagat pa rin kami ni Vince patuloy siya sa pagtanggal ng mga dugo na dumikt sa mukha at damit ko. Hinubad niya ang t-shirt na suot ko kaya bigla ko nabigkas ang kanyang pangalan.
"Vince..?"
"Papalitan ko lang ang t-shirt mo"
Nakita ko din na hinubad niya ang white t-shirt na suot niya at siya na din ang nagsuot sa akin nito. Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa niya sa akin ang lahat ng ito na lalong nagpapabilis sa pagtibok ng puso ko.
Nang makita niya na wala ng kahit na anong bakas ng dugo sa mukha ko at sa katawan ko. Labis ako nagulat sa sumunod niya na ginawa dahit bigla niya ako binuhat kaya napakapit ako kaagad sa batok niya.
Habang naglalakad siya na buhat niya ako nilagpasan lang niya sila lena at inang na napatingin pa sa amin. Pagpasok sa kuwarto maingat niya ako binaba paupo sa sofa. Kinuha niya ang tuwalya at agad niya pinunas sa katawan ko na basa.
"Ako na lang magpalit kana din"
Sabi ko sa kanya kaagad din naman siya sumunod sa akin. Pumasok ako ng banyo dala ang tuwalya na binigay niya sa akin. Pagkatapos ko maligo lumabas ako ng banyo na nakatapis lang ang katawan ko.
Napahawak ako sa tuwalya na nakatapis sa katawan ko dahil akala ko paglabas ko wala na si vince. Nakapagpalit na rin siya ng kanyang saplot. Napatingin siya sa akin habang nakaupo siya sa kama.
Bakit parang ibang vince na talaga ang nasa harapan ko ngayon? Nakita ko na tumayo siya mula sa pagkakaupo niya at dahan-dahan na lumapit sa akin. Napayuko ako paglapit niya sa akin. Dahil naiilang ako sa kakaibang klase ng titig niya sa akin.
Inangat niya ang mukha ko na nakatingin sa sahig. Nakita ko ang kakaibang tingin niya. Seryoso ang mukha niya pero wala na dito ang galit na lagi ko nakikita sa mga mata niya na tila napalitan na ng kakaibang kislap.
"Huwag kang matakot sa akin. Hinde ko na uulitin na saktan ka at ipipilit na gawin ko ulit sa iyo ang ginawa ko. Pero gusto ko maulit iyon na parehas na natin gusto. Magbihis kana hihintayin kita sa labas ng kuwarto at sabay na tayo lalabas ng bahay"
Mahinahon na sabi niya sa akin. Hinalikan muna niya ako sa aking noo bago siya tumalikod palabas ng kuwarto. Kaya nagmadali na ako magbihis dahil alam ko na nasa labas lang siya ng kuwarto at tulad ng sabi niya hihintayin niya ako. Pagbukas ko nga ng pintuan ng kwarto hinihintay nga niya ako at nakasandal lang siya sa pintuan.
Nginitian niya ako at hinawakan niya ang kamay ko sabay kami naglakad palabas ng bahay. Pagdating naman sa labas nakaayos na ang pagkain ang lahat ay nakalatag sa dahon na nasa lamesa.
Hinde umalis sa tabi ko si Vince magkatabi din kami sa upuan.
"Marunong kaba kumain ng naka kamay?"
Narinig ko na tanong niya sa akin na bahagya pa dumikit ang labi niya sa tenga ko. kaya nakaramdam ako ng pagiinit sa bahagi na iyon ng tenga ko.
"Oo naman'
Sagot ko naman sa kanya. hindi ko na nakita kung ano naging reaksyon niya sa sinagot ko dahi naiilang ako na tignan siya.
"Good"
Matipid na sagot lang niya sa akin. Lahat kami ngayon ay nag-uumpisa ng kumain. Ngayon ko lang naranasan ang kumain sa ganito kaya natutuwa ako. Sa hacienda Casivue nakakakita na ako ng ganitong salo-salo ng mga trabahador ni kuya lambert. Pero kakaiba ang ganitong karanasan para sa akin. Napatingin ako kay Vince na nasa tabi ko na kumakain na nakakamay na tumatawa habang nakikipagbiruan sa mga taong kasalo namin sa pagkain. Para bang ang bawat pagtawa niya habang kumakain ay slow motion para sa akin.
Bakit ganito nararamdaman ko? Ngayon lang ako humanga ng ganito sa isang lalaki bukod sa mga kapatid ko na lalake at kay daddy. At kakaiba ang paghanga na nararamdaman ko para kay vince.
Bigla naman siya napatingin sa akin kaya huli na para iiwas ko ang aking paningin sa kanya. Naging seryoso na naman ang mukha niya. Nakita ko na umangat ang isang palad niya at dumampi sa labi ko na tila may pinunasan. Gusto ko mahiya sa ginawa niya dahil pinunasan niya ang gilid ng labi ko na may ketsup at ang pinamunas pa niya ay kamay din niya na siyang ginagamit niya pangkain.
Bigla ko na binalik ang aking atensyon sa pagkain. Pagkatapos namin kumain tumulong na ako magligpit kay lena at lora ng aming pinagkainan. Habang si vince at tatay leo ay nagpaalam na may pupuntahan lang. Pero bago umalis si Vince hinalikan na naman niya ako sa noo at walang paalam na biglang tumalikod sa akin palayo.
Nasa labas ako nakaupo habang nakatanaw na naman sa asul na dagat na nasa aking harapan. Habang si lora na kapatid ni lena ay naglalaro sa buhanginan. Paminsan-minsan kumakaway siya sa akin.
Hindi ko din namalayan ang pag-upo ng isang lalake na may kalayuan naman sa akin. Napatingin ako sa kanya. Naalala ko siya si allen na nakakatandang kapatid nila lena at lora. Bakit ngayon ko lang pala uli siya nakita? kahapon ko pa siya huling nakita kahit kanina sa pagkain hindi rin namin siya nakasalo.
"hi ikaw si allen diba?"
Tumingin naman siya sa akin pero hindi siya ngumiti kaya hindi na lang ulit ako nagsalita. Pero mahabang katahimikan ang namagitan sa amin ng maisipan niya na kausapin na rin ako.
"Paano ka napunta sa Pangangalaga ni Vince?"
Pero ng magsalita na siya nagulat ako sa klase ng pagtatanong niya. May alam kaya siya kung bakit nandito ako? Pero nagtatalo ang isip ko kung dapat ba ako na magtiwala sa kanya.
Napansin din niya siguro na ayoko sagutin ang tanong niya kaya iniba na lang niya ang tanong sa akin.
"Sinsaktan kaba niya?"
Napatingin ako sa kanya dahi sa kakaibang tanong na naman niya. Nakatingin na rin siya akin pero bakit ganoon ang tingin niya sa akin? bakit tila may nababasa ako na labis na pag-aalala? Sino ba talaga ang mga tao na kasama ko dito ngayon??