Chapter 2

1810 Words
"MAHAL ko si Sam…" Nasaktan ako sa narinig. Parang kinirot ng pino ang puso ko. Dapat sana sanay na ako eh! Pang ilang heartaches na ba 'to dahil sa kanya? Kung bakit kasi bigla pa ng nagtransfer sa University namin si Sam na sa isang iglap lang ay kaagad nag spark ang kasakitan. Ang kolokoy ko namang kababata lakas makaamoy ng maganda kaya agad na niligawan. Parehong naging attracted sa isa't-isa. Tapos wala pang dalawang linggo na ligawan ay mababalitaan ko na lang na magiging sila na? At ako, ako heto tahimik lang nasasaktan sa isang tabi. "Eh 'di good." sabi ko. Hopefully hindi niya mapansin ang parunggit sa boses ko. "But I need your help buddy." "No! No! Ayoko!" Bumira uli ako ng higa. Pero naramdaman ko na lang si Yuan na nasa likod. Alam kong walang malisya sa kanya na nilingkis niya ang kamay niya sa beywang ko. Alam kong nilalambing niya lang ako para mapapayag na naman sa kung ano naman ang gusto niyang ipagawa sa'kin. At ako naman si uto-uto naramdaman ko lang ang hininga niya sa batok ko ay gusto na naman magpa-alipin ulit. Aba, hindi biro sacrifices ko para sa kanya. Magbibigay ako ng example. Noong unang araw na panliligaw niya kay Samantha, may pa balloons ang loko. For surprise daw. Marami. Ako lang naman ang nagtyaga magpalobo ng lahat. Pangalawa, in-invite niya si Samantha sa bahay. Nagkataon na wala si Tita. Siyempre ako at ang maid ang nagluto ng lahat. Sarap na sarap pa ang dalawa. Hindi man lang na credit ang harkwork ko. Pangatlo, ito talaga ang hindi ko makakalimutan. Nag-away si Yuan at isa sa mga girlfriend niya noon na si Elise na diyosa na nga marami pa rin insecurities sa katawan. Away in public talaga ang naganap dahil sa selos. Parang may shooting lang ng pelikula na naganap. Maraming audience na tila nakasubaybay sa susunod na kabanata. So heto na nga, may dumaan na estudyante, sarap na sarap sa pag-inom ng slurpee. Aba! Kinuha ba naman iyon ni Samantha sabay saboy sana kay Yuan. Eh, sa magaling ang kababata ko. Maliksing nakailag. May nasapol din naman - ako! Pero at least, nagalit noon ang kababata ko sa nobya niya. Ilang araw din hindi kinibo si Elise. Nagalit dahil napahiya ako. So, may ekis na sa'kin si Samantha. Nunca, papayag ako sa ipapagawa sa'kin si Yuan basta may kinalaman ang nobya niya. "Sige na Miggy, promise! Simple lang ipapagawa ko sa'yo." "Tulad ng?" "Dinner with fireworks. Eh walang in-charge sa fireworks kaya pwede ba na—" "No! Ayoko!" "Miggy naman please!" "Hay naku Yuan hindi mo ko madadala sa paglalambing mo ha!" Pinandilatan ko siya. Pero alam talaga ng kolokoy kung ano ang gagawin. Ginapos niya ako. At sinubsob ang mukha sa leeg ko. Eh, diyan iyong kiliti ko kaya napatili ako. Pinilit kong kumawala. Useless din naman kasi malaking tao si bestfriend kaya napabuntong-hinga na lang ako. "Sige na nga, payag na ako." "Thank you Miggy!" Sabi ng bestfriend ko na hinalikan pa ako sa pisngi. Siyempre usual scenery na ito sa aming dalawa. Lambingan. Harutan. Pero may ideya ba ang kababata ko kung paano ako tinatablan sa tuwing nagkakadikit ang amin katawan? May ideya ba siya kung gaano kabilis ang puso ko? Kung paano na halos manigas ang buong katawan ko? Siyempre. Clueless si bestfriend! ____ HINDI ko na mabilang kung ilang beses na akong nakagat ng lamok. Kating-kati na ang buong katawan ko. Nakatago ako sa Isang mayabong na halaman. At buhat sa kinaroroonan ko ay kitang-kita ko si Yuan na nakaupo sa harap ng hinanda niyang table with foods - ako nagluto - and of course, candle na hindi pa nasisindihan. Hinihintay na lang niya na dumating si Samantha. May instructions siya sa'kin. Oras daw na makita ko siyang hinalikan ang kamay ng nobya niya ay sisindihan ko na daw ang fireworks. Pinagtulungan namin i-set up ang lahat. Sa lawn sana ng isang Restaurant gaganapin ang lahat pero kinulang sa budget dahil siyempre walang work at saka estudyante pa lang siya kaya naisip na lang namin sa garden. Yes, nagpa-book na si Yuan ng room for one night sa isang kilalang hotel. Basta payo ko talaga sa kanya na huwag kalimutan ang condom dahil sakaling makabuntis siya ay talagang hindi ko kakayanin. Pero kahit ganoon hindi birong halaga din kaya ang nagastos ng bestfriend ko. Umarkila siya ng table and chair at saka red carpet na lakas makaroyal blood. Plus ang pagkain pa, tapus ang fireworks, ang bayad sa hotel. Idagdag na sa calculation ang presyo ng condom. Napakamot ako nang may dumapong lamok sa'kin pisngi. Kapag ako talaga nagkadengue malalagot sa'kin si Yuan! Napatayo ako ng tuwid nang makita kong dumating na si Samantha. Aba, may pa-iyak-iyak pa. Nakita kong inabutan na siya ng flower ni Yuan. At saka nagsimula na silang kumain. Namumuti na ang mata ko sa paghihintay. Kailan pa ba dadating ang scene na hahalikan sa kamay? Inuubos na ako ng mga lamok! Kapag ako talaga ako nainis sisindihan ko ang mga paputok. Ilang sandali pa ay dumating din ang hinihintay kong scene. Ayan na! Hinalikan na ng bestfriend ko kamay ng nobya niya. Tarantang sinindihan ko ang lighter at direktang tinuon sa buntot ng fireworks kahit ang instruction sa'kin ni Yuan ay sindihan muna ang mahabang stick para iyon ang gagawin na panindi sa fireworks para iwas disgrasya. Ang masaklap ay hindi iyon lumipad sa itaas bagkus doon pa lang sa ilalaim ay nagsipagputukan na. Nag mistulang new year kahit malayo pa. Napatili na lang ako at naipayak na lumabas sa pinagkukublian ko. Maraming paso. Naamoy ko pa na nasunog ang buhok ko. Nang makita ni Yuan ang nangyari ay mabilis niya akong nilapitan, kasunod niya si Samantha. Kapwa nag-aalala ang mukha ng dalawa. "Are you alright, Miggy?" tanong ni Yuan na niyakap ako at pinakalma. Pinagpagpag rin ang buhok kong umuusok pa. Ang pinakamamahal kong buhok! "Paano ako magiging okay! Nakita mo naman na muntik na akong maging roasted chicken!" Tinulak ko siya. Luhaan pa rin ako. "Sa susunod kasi huwag mo na akong gagawing props kung i-su-surprise mo girlfriend mo dahil napapahamak ako." "Miggy!" "Huwag mo akong pigilan!" Pandidilat ko sa kanya pinigilan niya ako sa braso sa akma kong pag-alis. "Dadalhin na kita sa hospital." "Hospital? Ni pambili nga ng betadine wala ka na dahil naubos na pera mo sa kapritsong ito!" "Ako na bahala sa pang hospital, Miggy." Alok ni Samantha sa'kin. "Huwag na, ituloy niyo na lang ang date niyo!" Bago ko pa nag walk out ay narinig ko pa ang sinabi ni Yuan sa nobya na hindi na matutuloy ang plano. Iniwan na niya ang nobya. At tarantang sumunod sa'kin. "Pwede ba! Balikan mo na nobya mo!" "No. Gagamutin ko 'iyan sugat mo!" "Bakit doktor ka ba?" "I'm taking up Medical course, Miggy baka makakalimutan mo." "Estudyante ka pa lang!" "Graduating na ako! Marami na akong alam tungkol sa panggagamot!" Yuan shouted out of desperation. Alam niyang may katigasan ang ulo ko. Hindi ko pa siya pinansin bagkus nauna pa akong pumasok sa bahay. Mabilis akong pumasok sa kuwarto ko. Nag lock. Saka napasubsob sa mga palad ko. Awang-awang ako sa sarili ko na nangamoy pulbura. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at mas lalo pa akong napalahaw ng iyak nang makita na nagmukha akong cancer patient under chemo therapy dahil sa nasunog na buhok ko. "Miggy! Ano na nangyari sa'yo diyan!" Bakas ang pagkataranga sa tinig ni Yuan. Sunod-sunod siyang kumatok. Halos sirain na ang pinto. "Miggy! Buksan mo itong pinto!" "Ayoko nga! Balikan mo na si Samantha. Masasayang lang pinaghirapan natin!" "Ikaw ang mas mahalaga, Miggy!" Mahalaga raw! Kung hindi kaya ako muntikan na maging roasted chicken, nag-aalala pa kaya siya sa'kin? Pinili ko magbingi-bingihan kahit hindi pa rin tumitigil si Yuan sa pagkalampag ng pinto. Narinig kong tumigil siya sa labas. Akala ko umalis na. Pero wala lang siguro minuto ang pagitan nang makita ko na gumagagalaw ang seradura ng pinto. At iniluwa siya doon. Hawak ang duplicate key. "Ikaw naman kasi eh, 'di ba tinuruan na kita kung paano sindihan ang fireworks?" Sabi ni Yuan nang makalapit sa'kin. Tiningnan niya ang maliliit kung paso. Pagkatapos ay dumako ang kamay nito sa buhok kong amoy sunog pa rin at hinaplos. "I'm so sorry Miiggy." "Hindi na maibabalik ng sorry mo ang lahat, makakalbo na ako!" "Dito lang naman sa dulo ng sunog. Kailangan lang gupitan. Pero magiging shoulder level na lang buhok mo." "Baka hindi ko na mapusod!" Muli na naman siyang napaiyak. Hindi ako sanay na hindi nakaponytail ang buhok. Pakiramdam ko kasi ang gulo ng mundo ko kapag nakalugay ang buhok kong medyo curly. "Kung gusto mo, ipapa-rebond na lang natin, ako bahala bukas." "Swear? May pera ka diyan?" "Siyempre ako pa!" "Sige, hindi na ako galit. Balikan mo na si Samantha." ani kong medyo lumambot na ang mukha. Niyakap ako ng bestfriend ko. At nagpatimbuwang sa kama. Gigil na sinubsob ang mukha sa buhok ko kahit amoy sunog pa iyon. Ito ang paraan ng paglalambing niya sa'kin. Alam ko hindi na appropriate sa mga edad namin, lalo na sa'kin na nagkakaroon na malisya dahil nga sa umusbong kong damdamin para sa kanya. But I can't help it. Parang panandalian kasing napupunan ang pangarap ko lang. Kahit in a split second lang ay back to reality na naman na kami ay magkababata lang. "Miggy, hindi ako takot mawalan ng girlfriend because I can have one in an instant. Mas takot akong mawalan ng bestfriend na katulad mo," sabi ni Yuan. Ouch. Kailan kaya ako makakalis sa friendzone? "So, hindi ka na galit? Gumising ka ng maaga bukas dahil sasamahan kiit sa sa - " "Yuan! Nasaan ka?" Ang boses na iyon ni Samantha na nasa ang nakaputol sa sasabihin ng kababata ko." "Wait lang, Miggy pupuntahan ko lang girlfriend ko." Anyong tatayo si Yuan pero hinila ko siya kaya napasubsob siya ulit sa'kin. Kumunot-noo siya. "Akala ko ba bati na tayo?" "Oo. Kaya nga sasama ako. Gusto kong uminom ng tubig." ""Hahatidan na lang kita dito." "No." "Miggy please." "Alam ko 'yang binabalak mo ngayon na wala sina ninang at ninong. Yuan huwag naman dito sa bahay. Kung gusto mo, dalhin mo na lang girlfriend mo sa pinareserve mong room sa hotel." Tinitigan niya ako. Halatang nagdadalawang isip. "Are you sure your gonna be okay here?" Tumango ako bilang sagot. "Thank Miguelita! I love you!" Hinalikan niya muna ako sa pisngi bago excited na lumabas sa kuwarto ko. 'I love you too, Yuan' Malungkot na lang ako na napaupo sa gilid ng kama ko nang marinig ko ang paalis na ugong ng kotse niya. Secondhand ang kotse na dating pagmamay-ari ni ninong. Pero magpagayun pa man ay mukha pa rin bago kaya nakadadgag pogi points sa kanya sa mga girls na puro porma lang hinahanap sa isang lalake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD