TWO DAYS PASSED and the Luna Queen slowly regained her strength. Hindi naman siya nagtataka na nabawi ng Luna Queen ang lakas nito ng ganun kabilis. Isa itong Elemental. Napabuntong-hininga siya ng maalalang isang gabi na lang ang lilipas at sa susunod na gabi ay full moon na. Naalala niya ang sinabi ng misteryosong boses sa kanyang isipan... ...Nagsalita ako sa'yong isipan upang sabihin na sa susunod na dalawang buwan sa gabi mismo ng kabilugan ng buwan. Magiging pula ito. Papatay ka ng maraming lobo at mga katulad mong hunters. At isang buhay ng mahalagang tao sa iyong puso ang mawawalan ng hininga. Sino naman kaya 'yun? At sino naman kaya ang misteryosong boses na nagsasalita sa kanyang isipan. Alam nito lahat ng mangyayari. Nagkatotoo ang sinabi nito na oras

