MAXINE LOOKED AT THE house infront of her. Halatang luma na ito dahil makapal na ang alikabok sa mga bintana. Basag rin ang ibang parte ng mga bintana. May mga baging rin na umakyat sa rooftop ng bahay at nagtataasan na ang mga d**o sa paligid ng bahay. Huminga siya ng malalim nang maalala niya ang mga alaala ng kanyang mga magulang. Hindi niya napigilan ang pagtulo ng kanyang luha. Pinunasan niya ito. "Hija?" Agad niyang nilingon ang taong nagsalita sa likuran niya. "Ano po 'yun?" Tanong niya sa matandang babae. Inayos niya ang hood ng suot niyang cloak para matakpan ang kanyang mukha. "Sino ka? At anong ginagawa mo dito?" Nagtataka nitong tanong. "Ahmm... m-malayo po akong kamag-anak ng mag-asawang Romano." Sagot niya. Walang dapat makaalam na siya ang anak

