5

2731 Words
TATLONG linggo na mula ng makabalik sa Manila sila Jianne matapos ang tatlong araw na conference noon sa Palawan. And Daryll consistently calls her for a dinner. Minsan ay tinatanggap niya, kung minsan din ay hindi. It confused her. Para kasing nasasanay na siya sa presensya nito. Ginawa naman niya na ang lahat. Nagpakabossy na nga siya sa lalaki pero biglang ang obedient naman nito sa kanya. Her plan to make him turn off turns into turn on yata. Naloloka na siya at mukhang wala ng atrasan ang kasalan. Last night her Mama called again, mukhang nabalitaan na nito ang paminsan minsan nilang paglabas ni Daryll kaya naman pinagpaplanuhan na nito ang kasal nila. But she told her not to meddle with it dahil ayaw niya ng ganoon. Pumayag siya sa dinner sa pag aaya ni Daryll para mapag usapan at magkalinawan silang dalawa tungkol sa kasalan. Tutal ay hindi naman na nila maiiwasan ito. Mainam na magkaroon sila ng kasunduan. Sinundo siya ng lalaki sa bahay nila kinagabihan at nagulat siya sa lugar na pinagdalhan sa kanya nito. "I know you hate fancy things, kaya dito nalang kita dinala. Let's go and enjoy this night." Nakangiting sabi nito at bumaba na siya. Iginaya siya ng binata sa likuran ng bagong sasakyan nito at dala ang basket ng pagkain. Looks like they are having a picnic at the Bay! Natawa siya sa kakornihan nito pero deep inside she did not expect na mag eeffort ang binata sa kanya. "I didn't expect may pagka-romantic ka pala? What book did you read for this?" She teased him pero mas lumapad lang ang ngiti nito kahit halatang nahihiya ito. Who would have thought that the mysterious and serious boss ng DVC ay nag-set up ng dinner date sa Manila Baywalk! "Don't tease me Hon, kain ka na, I asked your Mom earlier what's your favorites and those are what I bring tonight." "Wow! Ikaw nagluto?" "How I wish I can, I just asked someone to cooked for this." Pinagsilbihan siya nito at inalalayan na makaupo. Buti na lang hindi niya naisipan na magdress kanina kahit iyon ang ipinipilit ng Mama niya. Maganang kinain niya lahat ng mga inihain nito at mukhang nag eenjoy din ito sa pagkain. Busog na busog siya ng maubos nila ang dala-dala nito. "I'm so full!" Tumayo siya mula sa trunk ng sasakyan at niluwagan ang belt niya sa sobrang kabusugan. Luminga linga siya sa paligid at gayon na lang ang pagtataka ng walang dumadaan na mga tao lalo na mga bata sa paligid nila. "Bakit kaya kakaunti ang tao dito ngayon?" Nagtatakang sabi niya kay Daryll. "I assigned guards to secure our vicinity and gave us some privacy." kaswal na sagot nito habang nagliligpit na ikinatanga niya! "Hala! Hindi ba ilegal iyon??" "No. I asked permission to Ninong." "And what kind of person is this Ninong of yours?" "He's the Mayor." Napairap na lang siya dito. Iba talaga din nagagawa ng impluwensya. Hindi niya alam ang isasagot dito o iaakto. Kung kikiligin ba siya ginawa nitong pagkakaroon nila ng privacy o maiinis dahil napaka unfair ng buhay sa Pinas. "Nga pala, we need to talk about our arranged marriage. Kinukulit na ko ni Mama sa date, lalo na ng malaman niyang lumalabas na tayong dalawa. So ,what now?" Deretsang sabi niya bigla dito. "I can marry you anytime Honey. Gusto mo bang bukas na?" Nahampas niya ang lalaki sa sinabi nito. "Before the date, we need to be clear. Let's compromise. Alam kong both of us ay walang choice kung hindi ang sumunod. So, I have this proposal." Doon naman ay biglang nagseryoso ang mukha nito at parang bigla siyang isang aplikante na inaabangan ang kakaibang business proposal niya. "I will marry you but with these conditions." "Okay. Let me hear it first." Pagseseryoso nito. "You must obey my rules." "Your rules?" He frowned na tila naguguluhan sa naging kondisyon niya. "Yes.. My rules. Para may limitations tayo sa certain actions na gagawin natin dahil arranged marriage lang naman ito." Kinuha niya ang phone niya kung saan nakagay na ang mga rules na gusto niya. "First, I don't want a church wedding or an overcrowded wedding. I want it in civil lang. And only both families allowed. I don't love you kaya hindi kita maihaharap kay Lord." Panimula niya at idiniscuss pa rito ang mga rules na nakaset niya at habang isinasaad niya iyon ay pakunot ng pakunot ang noo nito. Rule 1: Civil and private wedding. Rule 2: We can live in the same house but in separate rooms. Rule 3: Mind your own business. (Meaning walang pakialamanan. You can do whatever you want basta hindi ikasisira ng pangalan ng isa't-isa.) Rule 4: We can act couple in front of our family and in social activities only. Rule 5: No kissing and other intimate activities. Rule 6: This arranged marriage will last only for 2 years. Both parties will separate their ways peacefully after that. Rule 7: No breaking of the rules. Inilista na niya ang lahat at binasa niya sa binatang seryosong nakinig sa kanya. This will be their contract. "Why is everything is under your favor? How about me? I though we will compromise?" Seryosong komento nito. "Okay, what do you want to add?" She asked. "How about a honeymoon?" "Rule 5. De Vera! No kissing and other intimate activities!" Pagsusungit niya dito. "But you will be my wife. I can do whatever I want to you.." Nanunubok na sabi ni Daryll sa kanya. "Do you want me to cut that thing of yours?" "You can?" Pang hahamon nito. She frowned. Hinahamon mo ko ahh.. Tsk. "Of course. Want me to do it now?" She said sabay dukot sa purse niya ng foldable knife. Lagi nyang dala iyon in case of emergency. Imbis na make up kit at kung anuman ang dalhin niya ay bakit hindi ang pamproteksyon na lang sa masasamang tao diba? She always has a Pepper spray or teargas at foldable knife and her skills sa taekwondo ang inaasahan niya laging sasagip sa kanya. Nagulat naman ang binata sa hawak niya at tila natakot ito. "A-ahh. No. I was just... Just kidding. I will think of my rules too. Hatid na kita sa bahay ninyo." Madaling binuksan nito ang pintuan ng kotse at pinapasok siya doon. Takot naman din pala ito! Pinigilan na lang ni Jianne na matawa sa inakto ni Daryll. Well, she will rule in this marriage. Who runs the world? Girls!! MATAPOS ang isang buwan ay naka-set na ang date ng kasal nila ng araw na iyon. Kasalukuyan si Jianne na nakaharap sa salamin habang sinusuri ang suot niyang puting bestida na lampas tuhod ang haba. Matapos ang naging kasunduan nila ni Daryll noong nakaraang dalawang linggo ay madaling naiproseso ang kasal nila dahil Civil wedding lang naman ito. "Princess, are you ready?" Sambit ng Mama niya ng pumasok ito sa kwarto at naka ayos na rin ito. Kunot noo niyang pinasadahan ang suot nito. "Mama, ano iyang suot ninyo? Sa munisipyo lang ho ang punta natin hindi po sa SONA ng Pangulo!" "Why? It's my princess wedding! You look stunning anak but, why are you wearing those sneakers?!" Pagpuna naman nito sa kanya at pinahubad ang suot na sneakers at pinalitan ng 4 inches na white stiletto. Lagi na lang nitong pinupuna ang suot at itsura niya pero kahit ganon na minsan ay naiinis siya sinusunod na lang niya ito dahil nakasanayan na rin niyang dinidiktahan siya nito sa mga ganitong bagay. She even wants her to be a beauty queen like her pero hindi siya pumayag kahit anong gawin nito lalo na noong bata pa siya na gusto siya nitong isali sa mga pageant but because she has her Papa ay hindi siya nito mapilit na gawin iyon. Her Papa is very supportive of her sa lahat ng bagay, kaya nga ito lang ang tanging hiniling nito sa kanya kaya naman gusto niya rin itong pagbigyan even though she didn't understand why. DUMATING sila sa munisipyo, at naroon na rin ang pamilya ni Daryll. "Alistine! Ganda natin ngayon ah!" Bungad ni Migz sakanya. Ang napili niyang Mayor na magkakasal sa kanila dahil pinagkakatiwalaan niya ito. He knows her dahil matagal din ang pinagsamahan nila. Because like her, he wants to proved something also. "Brad! Kagalang-galang na talaga ang datingan natin ngayon ahh. Asensado ang barong ni Mayor!" Nakikipag fist bump siya dito dahil iyon ang nakasanayan nila pero tinignan lang siya nito ng nakangisi. "Ali naman... Hindi bagay saiyo ngayon iyan. Chicks ka ngayon." Lumapit ito at hinalikan ang likod ng palad niya. Natawa na lang siya at hinampas ito. Ganoon din ang ginawa ng batang Mayor sa Mama niya nang batiin ito. Ang present lang ay ang Mama at Papa niya kasama ang malapit na kaibigan din ng Papa at Mama nila na nagsilbing Ninong at Ninang ng kasal nila. Gaya ng gusto niya. Wala iyong mga kapatid niya dahil biglaang nagkaroon ng problema sa international branch ng company nila at kinakailangan asikasuhin muna. Wala namang kaso sa kanya iyon dahil seremonyas lang naman ang kailangan nila. Nagsimula na ang seremonyas ng kasal at nakahanda ang mga dokumento upang pagtibayin ang kasalanan nila. "By the power of the government that given me, I now pronounce you husband and wife." Pinal na sabi ni Migz. "Walang kiss the bride?" Singit ni Daryll. Sinamaan niya ito ng tingin. Anong kiss kiss ka jan! Kiskis ko nguso mo sa pader! "Shut up De Vera!" Mahina ngunit batid na nitong naiinis siya. "Then make me." Nakakalokong sambit nito. Kung nakakamatay ang tingin malamang isa na siyang maagang balo. Akmang tutuhurin niya sana ito ngunit naging maagap ang binata ng hapitin ang baywang niya palapit sa katawan nito. "Not there honey.." Bulong nito sa tapat ng tenga niya, pinilit niyang makaalis pero ayaw siya nitong bitawan. Biglang tumikhim si Migz na ikinatingin nya rito. Then she cringed in his next statement "Sige, you can now kiss your wife." Doon niya na-realized na may mga kasama nga pala sila! Nilingon niya ang mga ito at mukhang nag eenjoy na pinapanood sila. "That's it Honey, I can kiss you now, my wife." Mag rereact na sana siya ngunit sinakop na nito ang mga labi niya na ikinalaki ng mata niya! That's her first kiss! Nagpalakpakan naman ang mga kasama nila sa loob pero siya matalim na tinignan si Daryll na nakangisi sa kanya. Kaya naman sa inis niya ay malakas nyang sinikmuraan ito. "Argh!!" "Do that again and you're dead!" Nagpaalam na siya sa mga nandoon at mabilis na tumakbo palabas ng munisipyo. Hindi na nila siya nagawang pigilan dahil sa pagkagulat siguro sa ginawa niya, dahil sa kanilang paningin isa siyang mahinhing dilag ngunit kabaliktaran siya niyon! Si Migz lang ang mukang hindi na nagulat sa ginawa niya dahil nag thumbs up pa ito ng nakalabas siya. "Aray!" Isang katangahan na naman ang nangyari sa kanya. Sa sobrang pagmamadali ay hindi niya napansing may isang step pa pala ang hagdanan at natapilok siya. Mabuti na lang at damuhan iyon kaya naman hindi naging masakit ang pagbagsak niya. Iyon nga lang ay ang paa niya yata ang napuruhan. Huhubarin na sana niya ang sapatos ng biglang naalarma siya sa pagtawag ni Daryll na tumatakbo palapit sa kanya. Masakit man sa paa ay pinilit niya ding tumakbo palayo rito. Pasakay na sana siya ng taxi ng nahablot na nito ang braso niya. "Ano ba?! Bitiwan mo nga ako!" Sigaw niya rito. "No. Not unless sumama ka sa akin." Seryosong sabi nito kahit hinahabol pa rin ang hininga. "Hindi ako sasama saiyo! Uuwi na ako!" Pilit niyang binabawi ang braso niya pero binuhat lang siya nito na parang isang sakong bigas! "Then I will send you to our home." He seriously said while carrying her. "Siraulo ka ibaba mo ko!!" Patuloy ang pagsuntok at pagsigaw niya sa likod nito pero parang wala lang iyon sa lalaki. "Behave Hon.." Sambit pa nito at humigpit ang pagkakahawak sa kanya. "Behave-in mo mukha mo! Ibaba mo na ko sabi!!" Galit na galit niyang sabi ng huminto na kami sa tapat ng dilaw na Lamborghini nito. "Sakay." Naubos na ang energy nya sa pagsuntok at kakahiyaw dito kanina kaya hindi nalang siya kumibo ng isakay na siya nito sa kotse. Tahimik silang dalawa sa byahe papuntang bahay daw nila at narinig niya ang pag uusap nila ng Mama niya na magkasama na silang uuwi sa bahay nila. Panay ang apologized ng Mama niya sa lalaking ito sa inasal niya pero hindi siya nagsalita o nagkomento pa dahil paniguradong sesermunan na naman siya nito, because she didn't act like a prim and proper woman! Buong byahe ay tahimik na iniinda na lamang niya ang sakit ng paa niya. Inalis niya ang pagkakasuot ng heels niya pero halos maiyak siya sa sakit ng iyong heels natapilok niyang paa na ang aalisin niya. Kagat labi niyang tiniis ang sakit. "Jianne .. Are you okay?" Mukhang napansin ni Daryll iyon kaya nagtanong ito. "Oo." Tipid kong sagot kahit hindi. "Sure? Malapit na tayo sa bahay." Inirapan niya lang ito at hindi na siya sumagot. Ilang minuto rin ay huminto na ito sa isang malaking bahay sa isang exclusive village. May nagbukas ng gate at pinasok nito ang kotse roon. "Were here. Welcome to our home." Nakangiting sabi pa nito na parang walang atraso. Inirapan lang niya ito at pinilit lumabas sa kotse nito kahit masakit ang paa niya. "Hey... Are you okay?" Tanong ulit ni Daryll pero hindi niya ito pinansin at iika-ikang pumasok sa loob ng bahay. Pero hindi pa rin siya nakakalayo rito ay binuhat siya muli nito. but this time bridal style na at may halong pag iingat. "Ayos lang ako. Kaya kong maglakad!" Naiinis na sabi niya pa rin kahit alam niyang hindi niya na kayang igalaw iyon sa sakit. "You are so stubborn! Magmamatigas ka pa rin ba kahit magang maga na iyang paa mo Jianne!" Asik nito sa kanya. Hindi siya agad nakakibo dahil sa biglaang pagsigaw nito sa kanya. "Did you just yell at me?! Walang hiya ka pala! Ikaw itong humalik halik sa akin kaya nainis mo ako! Kaya ako tumakbo at natapilok!" "Manang padala po ng warm water at bimpo rito. Pati na rin ho iyong pain reliever." Utos ni Daryll sa kasambahay nito at hindi pinansin ang pagsigaw niya dito. Maingat na inupo siya nito sa sofa at naupo naman ito sa carpeted floor at maingat nitong sinuri ang namamagang paa niya. "Aray! Masakit! Huwag mo ngang hawakan!" Bawal niya dito dahil masakit naman talaga. "Sorry. I will call Dr. Gutierrez to come over para magamot iyang paa mo. But first you need this warm compress to minimize the pain." Mahinahon na nitong sabi sa kanya. Hindi na siya nagkomento at hinayaan na lang ito. Tutal siya ang may kasalanan din. ILANG MINUTO lang ay dumating na ang resident doctor ng Village nila at agad na sinuri si Jianne. He prescribes some pain relievers and meds para sa nai-sprain nitong paa. May ilang bilin lang ang doctor sa kanya bago ito nagpaalam na rin. "Thank you so much Doc." Pagpapasalamat niya rito. "No worries iho. By the way is she your wife?" Nakangiting tumango siya dito. Well he's proud that she's with him now. Kahit pa may pagkabayolente ang kanyang asawa. "Wow! Congratulations iho. Maging masaya nawa ang pagsasama ninyong mag asawa." Natutuwang sabi nito sa kanya sabay tapik sa braso niya. "Maraming salamat po ulit Doc." Tinanguan siya nito at umalis na. Binalikan niya ang asawa sa living area ng makita niya itong mahimbing na natutulog na dahil nakanganga pa ito! Hindi niya mapigilan ang matawa sa ayos nito, this woman never fail to amuse him. Kahit anong gawin nito ay napakaganda pa rin sa paningin niya. He get his phone and captured this moment. Pagkatapos ay maingat na binuhat niya ito papunta sa kwartong inilaan niya para doon ay makapagpahinga na ito ng maayos. He touches her cheeks and then her very soft sweet lips.. Napangiti siya nang maalala ang naging halik niya rito kanina.. It was really sweet. "I'm not going to let you go honey,dahil gagawin ko ang lahat to win your heart as you have mine." Bulong niya rito at gave her a quick kiss and left her in his room. ========= © Miss Elie
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD