Masaya ang tiyo at lola ni Dylanne nang makita si Coulter doon, lalo na nang sinabi ng lalaki na mananatili ito roon ng ilang araw. “What?” bulalas pa ni Dylanne nang marinig ang sinabi ng lalaki habang kumakain sila ng late lunch. Tinapos lang kasi ng mag-ina ang pag-aani ng mani at bumalik sa bahay pagka-settle ng taong bumili ng produkto. “Oo, siyempre walang problema, Coulter. At siyempre, bukas na bukas ang bahay ko para sa ‘yo. Ikaw pa?” natutuwang anang Lola Agwa ng dalaga. Napakurap-kurap siyang napabaling sa matandang nakaupo sa kabisera ng parihabang mesang gawa sa narra. Nasa harap nila nakahain ang Bicol Express, sinigang na baboy, kanin at piniritong baboy. Lahat ng ito ay hinanda kanina ng kanyang abuela bago tumulong sa kanila ng tiyuhin na mang-ani ng mani. Ininit lang n

