Napakasaya ni Coulter. Mas masaya pa siya dahil ilang ulit na rin niyang narinig na mahal din siya ng nobya. Sa kabilang banda, tila nag-a-adjust pa rin si Dylanne sa relasyon nilang dalawa. Pansin niya lang. Kung tutuusin, siya naman ang may kasalanan kung bakit parang gustong ilayo ng dalaga ang sarili sa kanya noong una at ang siguro gustong sikiling damdamin para sa kanya dahil d-in-iscourage niya ito noon. Pero hindi na ngayon. They were over it. Nagiging busy si Dylanne sa mga rehearsals nito kasama si Fred. Suyang-suya si Coulter talaga sa Amerikanong partner ng dalaga sa ice rink. Habang nanonood siyang nag-eensayo ang mga ito ay nakikita niyang tila panay ang tsansing nito kay Dylanne. Pero baka nag-o-overreact lang siya. Ayaw niya kasing may ibang humawak sa babaeng mahal ni

