Chapter 38: Rollerblading

1132 Words

Nagsimula nang mag-rollerblading si Dylanne kada hapon at dahil dito ay may maraming nagpapaturo sa kanya na mga kabataan. Binilhan niya ang mga ito ng rollerblades at hindi rin niya ipinagkait ang nalalaman. Itinuro niya sa mga ito ang lahat na alam niya at kung ano ang puwedeng maia-apply sa rollerblades. Tuloy ay parang may klase siya kada hapon. Natutuwa naman siya dahil dito. “Ate Dy! Kanina pa ‘yan diyan nanonood sa ‘yo, o,” sabi ni Aries, isang dalagita sa edad na katorse. Humagikhik ito at itinuro ng bibig ang direksyon ni Coulter. Tinudyo naman siya ng mga kaibigan nito. Pagtingin niya sa may entrance ng quadrangle ay nakatayo roon ang nakapamulsahang si Coulter. Biglang lumundag ang puso niya nang makita ang lalaki. Kahit palagi naman itong nandoon ay walang humpay ang pagtah

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD