Kabanata 3

1253 Words
Shekaina’s PoV MALAKAS ang p@gtibøk ng aking puso paglabas ko sa bar room ni Jaxton Arquilles. Ramdam ko rin ang pananakit ng aking p@gitan sa paraan ng pag-angkin nito sa akin kanina. Pilit kong pinigilan ang pagtulo ng aking luha sa aking mga mata. Nagtungo ako sa master’s bedroom para magpalit ng damit. May nakita akong paper bag na walang laman at kinuha ko iyon para doon ilagay ang pera na pambayad ko sa hospital. Tinungo ko ang hagdan at may sumalubong sa akin na matandang lalaki. Nakasuot ito ng itim na polo t-shirt at black pants. Nakasapatos at may suot na head set. “Ma’am, utos ni Sir Jax na ihatid ko kayo sa bar,” anang matandang lalaki na sumalubong sa akin pagbaba ko. Sa aking tansya nasa edad forty five to fifty years old ang matandang lalaki. Bumuga ako nang malalim at saka tumango rito. Sumakay ako sa itim na kotse at inihatid niya ako sa Istigma Club. Nakita ko si Ara sa labas ng Club at hawak nito ang aking bag. Mabilis kong nilapitan ang aking kaibigan at kinuha rito ang aking bag. “Ano ang ginawa sa iyo ni Sir Jax, Kai?” nag-aalalang tanong nito sa akin. Mabilis akong umiling at pilit na ngumiti rito. Inilagay ko sa bag ang paper bag na may lamang pera. Inilabas ko ang damit ko at nagsuot ng hoodie jacket at jogging pants sa gilid ng club. Inalis ko ang sandals na suot ko at ibinigay iyon kay Ara. “Nasaan ang sapatos ko?” mahina kong tanong dito. Iniabot nito sa akin ang plastic bag na kinaroonan ng sapatos ko at saka ko iyon isinuot. Nagmamadali ako at hindi ko pa naisintas ng maayos ang aking sapatos. “Kai!” untag sa akin ni Ara. “Okay ka lang ba talaga?” naiiyak na tanong nito sa akin. Kinagat ko ang ibaba kong labi at saka tumango. “Bukas na lang kita kakausapin, Ara. Maraming salamat sa tulong mo.” Pumara ako ng tricycle at nagpahatid sa Private Medical Center kung saan inooperahan ang aking Tatay Ador upang maalis na ang nakitang tumor sa utak nito. Inilihim iyon sa akin ni Tatay, ipinagpatuloy pa rin nito ang pagtratrabaho sa bar para lang may pampaaral siya sa akin. Matinding sakripisyo ang ginawa ni Tatay Ador para lang masiguro na makapagtapos ako ng kolehiyo kahit na mahirap ang buhay naming dalawa. Kaka-graduate ko pa lang ng kolehiyo at ganito na ang nangyari. Ayokong mawala sa akin si Tatay Ador dahil siya na lang ang mayroon ako. Pagdating ko sa hospital, nagtungo kaagad ako sa emergency room. Nakita ko roon si Doc Sanchez, ang matandang brain surgeon na pinakiusapan ko kanina. Lumabas ito nang emergency room nang makita niya ako na nakasilip sa maliit na bintana ng kuwarto ni Tatay. “Shekaina Domingo Salazar?” tanong sa akin ni Doc Sanchez. Hawak nito ang aking ID. Mabilis akong tumango rito. “Ang Tatay ko po, kumusta na siya?” “Kakatapos lamang ng operation, Shekaina. Nagtratrabaho pala bilang bouncer sa club ang Tatay Ador mo, at may binabayaran pala siyang philhealth. Ipina-check ko kasi iyon sa billing station kanina. Kaso nga lang hindi tumutugma ang apelyido mo sa kanya dahil ang nakalagay sa ID ni Ador ay single siya. Hindi ko na itatanong kung paano ka niya naging anak, iha. Ngunit ang masasabi ko lang na masuwerte si Ador na may isang anak na katulad mo. Nakita rin kanina ng mga nurses at ibang doctors ang ginawa mo kanina kaya nag-ambagan sila at may kaunting halaga na itutulong para sa mga gamot na kakailanganin ni Ador. Isang linggo hanggang dalawang linggo siyang mananatili dito sa hospital para maasikaso siya ng mabuti. Wala kang alalahanin sa pagkain dahil libre naman iyon dito, Shekaina. Huwag kang mag-alala dahil successful ang operation ng Tatay mo at gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para makatulong ako sa inyo. Maiwan na kita, iha,” nakangiting sabi sa akin ni Doctor Sanchez. Sinabi sa akin ng nurse na kasunod nito na kung gusto kong pumasok sa kuwarto ng Tatay ko ay magsusuot ako ng PPE. Nanlalambot ang aking mga tuhod at napaupo sa silya na nasa labas ng emergency room. Nakahinga ako ng mabuti dahil alam kong sasapat ang pera na hawak ko sa mga gastusin sa gamot, at kailangang laboratory test ni Tatay Ador. Mabuti na lang pala at may philhealth ito na kaagapay. Habang yakap-yakap ko ang aking bag ay nag-ring ang cellphone ko na nasa loob no’n. Kinuha ko ang cellphone ko at rumihestro sa screen ang hindi rehistradong number. Sinagot ko pa rin iyon kahit na nag-aalinlangan ako. “Hello, this is Marion Gamido of Bienaflor Corporation. Pinapapunta ka ni Miss Cheryl Lopez ang aming HR Assistant dito sa office, 9 am sharp, first floor ng Bienaflor Corporation para sa face to face interview mo, Miss Shekaina Salazar. Please be on time and wear proper attire. Paki-ready na rin ang printed CV mo, Miss Shekaina. Congratulations in advance.” Naiiyak ako at hindi makapagsalita sa sobrang tuwa. Tinapos na rin nito ang tawag sa akin nang hindi ako sumagot. Hindi ako makapaniwala sa good news na natanggap ko ngayon. Bigla ko tuloy naisip na bumalik kay Jaxton Arquilles para ibalik dito ang perang ibinigay nito sa akin. Kaso nga lang naisip ko na baka hindi pa ako sigurado na matanggap sa posisyon na in-apply-an ko sa Bienaflor Corporation bilang Payroll Clerk Administrator. Natatakot din akong malaman ni Tatay Ador ang ginawa ko dahil alam kong pagagalitan niya ako at masasaktan ko lamang ang damdamin nito dahil sinira ko ang pangako ko sa kanya. Ayokong malaman nito ang tungkol doon kaya hahanap na lamang ako ng ibang pagkakataon para makausap si Jaxton Arquilles para bawiin ang naging kasunduan naming dalawa. Kung sakaling matanggap ako sa trabaho p’wede ko sigurong bayaran na lamang paunti-unti ang perang ibinigay nito sa akin. Pinahid ko ang luha sa aking mga mata. Hindi ko na alam kung paano ko lulusutan ang problemang pinasok ko. Kung bakit naman kasi wrong timing ang pagtawag sa akin ng Bienaflor Corporation. Bumuga ako nang malalim at minabuting ayusin ang hospital bills ni Tatay Ador. Makikiusap muna ako bukas kay Ara na bantayan nito si Tatay dahil may kailangan akong asikasuhin. Nagtungo ako sa billing station at inayos ang hospital bills ni Tatay Ador. May ibinigay din sa akin ang nurse na listahan ng mga gamot ni Tatay Ador na dapat kong mabili bukas. One hundred fifty thousand ang hospital bill ni Tatay at halos nasa sixty five thousand ang na-less sa philhealth nito. Kalahati na lamang ang babayaran ko at malaking tulong na iyon para sa akin. Binayaran ko na ang balanse ko sa bill ni Tatay sa operation nito kanina. Ang bayad na lamang dito sa hospital rooms ang iisipin ko dahil dalawang linggo pa ritong mananatili si Tatay para magpagaling. Bumalik ako sa emergency room at sinilip si Tatay sa may bintana. “Tay, magpagaling ka, ha. Bilisan mong gumising dahil may good news ako sa iyo. Alam kong magiging proud ka sa akin kapag nalaman mong nagtratrabaho na ako sa isang kompanya. Alam kong ipagmamalaki mo ako sa lahat,” lumuluhang sabi ko habang nakatingin dito. Pinahid ko ang luha sa aking mga mata at pinilit na ngumiti habang nakatingin dito. “Tay, mahal na mahal na mahal kita. Pangako ko na aayusin ko ang takbo ng buhay ko at ipagmamalaki mo ako,” umiiyak na sabi ko habang nakatingin dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD