Chapter Twenty Eight AMIR SOBRANG napagod ako sa gabing iyon kaya naman matapos ang mainit na sagupaan sa banyo ay diretso kwarto na at natulog. Pagkapikit ko pa lang ng mga mata ko ay nakuha ko na kaagad ang aking tulog kaya naman natitiyak kong mababawi ko ang lakas na nawala sa akin pagkagising ko. Ako yung taong kahit anong oras matulog sa gabi ay magigising at magigising pa rin ng alas cinco ng umaga. Kaya naman kahit tulog pa siya ay bumangon na ako at nagbihis. Inilibot ko muna ang tingin ko sa kwarto. Kung titira ako dito, hindi pwedeng hindi ako gagawa ng paraan man lang para makakain kami ng sabay sa almusal at sa hapunan. Alam kong tila live in na ang dating nito para sa iba pero malalaki na kami at alam na naming dalawa ang kahulugan nito. Isa pa, pumayag na ang mga magul

