Chapter Twenty Two AMIR HANGGANG kailan ba siya matututong mamuhay mag-isa? Pagpasok ko kanina sa kwarto niya ay hindi pa siya nakakaligo at mukhang kagigising niya lang. Kalat kalat pa ang mga damit niya sa lapag at sa kama na parang dinaanan ng bagyo. Sa huli, ako ang nagtiklp nito isa isa at ipinatong lang sa kama. Nagkalat din ang mga panloob niya. Natatawa lang ako dahil sa mga underwear niyang nagkalat. May natatakpan pa ba ang mga iyon? Naweweirdohan lang din ako kung paano siya nagiging komportable sa pagsuot ng mga iyon gayong hindi naman ito katulad ng mga ordinaryong underwear na kadalasang makikita sa mga magazine o kaya ay sa mga catalog ng mga bilihan nito. Napapakamot na lang ako sa ulo ko habang nag-aayos. Hanggang sa mag-agawan kami dahil sa underwear na pula. Hindi k

