Chapter Twenty Four AMIR ORAS na rin siguro para subukan kong pumasok muli sa isang relasyon. Pinag-iisipan ko ito palagi bago pa man ako matulog sa gabi. Hindi ko lang alam kung paano ko sasabihin kay Yumi na gusto ko na rin siya at gusto siya kung mababago niya ang ilan sa mga ugali niya, pananamit niya at ang mga kilos niya. Ngunit, tama siya nang sinabi niyang hindi ko siya pwedeng gawing ideal girl ko dahil siya ay SIYA MISMO at hindi pwedeng magbago nang dahil lang sa gusto ko siyang magbago. Ang dahilan kung bakit sinabi ko na rin agad iyon sa kanyang pamilya ay upang hindi na namin kailangang magtago o magsinungaling pa sa kanila. Ito naman ay bukod sa bilin ng kanyang ama na bantayan ko siya. Hindi ko rin naman tine-take advantage ang tiwala ng kanyang ama sa akin. SIguro n

