Chapter Thirty Four MAYUMI BAKIT kung kailan okay na ang lahat sa amin ay darating sa puntong ganito? Kailangan ba talagang magahanapan kami ng aming mga sarili? Kailangan bang ganon? Hindi na ako sumabay sa kanya pauwi. Pumara ako ng tricycle at dumeretso ako sa bahay namin sa San Gabriel. Umiiyak pa ako habang nakasakay sa loob. Wala siyang kibo nang pumara ako. Hindi man lang niya ako hinabol. Hindi man lang niya pinagsisihan ang mga naging desisyon niya. Hindi ko mapigilang mapahikbi sa loob ng tricycle. Sa isang iglap ay ganito na ang nangyari. Kagabi lang nang pagsaluhan namin ang pagmamahal ng isa’t isa tapos hahantong na agad sa ganito? Hindi katanggap tanggap. May bali ba sa akin? May nagawa ba akong hindi niya nagustuhan at bigla na lang ganito? Hindi klaro sa akin ang la

