Chapter 2

1335 Words
Chapter 2   Pagkasarado ko ng pinto ng VIP room ay agad na naging hyperactive ang aking human senses. Para bang kahit multo ay makikita ko dahil sa sobrang alerto ko lalo na sa mga matang pwedeng makahuli sa akin.   Nasa third floor ang opisina ni Mrs. J, pero bago ako makarating doon, kinakailangan ko munang makalampas sa mahabang hallway. Puro mga VIP room ang nasa floor na ito, at kabilaan ang pinto ng bawat kwarto. Isang pinto lang ang magbukas sa mga iyon at may isang entertainer na makapansin sa akin ay patay ako! Wala akong kaibigan kahit isa man sa kanila kaya paniguradong isusumbong nila ako kay Mrs. J at sasabihing hindi ko ginagawa ang trabaho ko.   Mabilis pero maingat kong tinanggal ang sapatos ko dahil mahihirapan akong maglakad sa taas noon. Patingkayad akong tumakbo papunta sa hagdan paakyat ng third floor. Parang hinahabol ako ng kabayo dahil sa bilis ng takbo ko, I was so nervous, I could almost hear my heartbeat banging inside my chest.   Nang makatuntong ako sa third floor, halos lumuhod na ako sa sahig sa sobrang kaba at paghabol ng hininga, pero kailangan kong tatagan ang loob ko. Agad akong lumakad papunta sa pinto ng opisina at saka lumuhod sa tapat mismo ng doorknob. Gamit ang hairpin na hawak ko, inikot-ikot ko iyon sa susian ng pinto. Sa bawat segundong lumilipas, para akong nilalamon ng kaba dahil pinagpapawisan na ako’t lahat, ayaw pa ring mabuksan ng pintuan!   “s**t!” I hissed under my breath.   Huminga muna ako ng malalim para alisin ang nerbyos na kanina pa nagpapanginig sa buong sistema ko. Nang maramdaman kong medyo kalmado na ako, isinuksok ko ulit ang hairpin at saka pinakiramdaman kung saan ko dapat iyon ipasok. Ilang pihit ang ginawa ko sa hairpin nang marinig ko ang pag-click ng pinto. Bingo!   Dali-dali akong tumayo at saka pinihit ang doorknob, mabilis akong lumapit sa desk at hindi ko akalain na magiging madali lang para sa akin na mahanap ang red box na sinasabi ng lalaking kausap ko. Kinuha ko iyon at saka pinunasan ang table ni Mrs. J gamit ang kakarampot kong damit bago ako muling lumabas ng opisina. Pinunasan ko din ang doorknob at ilang parte ng pinto na alam kong nahawakan ko.   Mabilis naman akong bumaba ng hagdan pababa ng second floor, sumilip muna ako kung may tao sa hallway at nang makita kong clear ang daan, tumakbo ako pababa hanggang makarating ako sa first floor papunta sa dressing room. Mabilis ang ginawa kong pagbibihis, hinubad ko ang costume ko saka inilagay ‘yun sa bag ko, pagkatapos ay isinuot ko ang t-shirt, pantalon at rubber shoes na kadalasan kong ipinambibihis pagkatapos ng trabaho. Pinagkasya ko din ang red box sa bag ko.   Pagkarating ko sa parking lot, hinanap ko agad ang sasakyan ni Roy, ‘yung lalaking kausap ko kanina. Nakakainis na hindi ko man lang naitanong kung anong plate number o kahit kulay man lang ng sasakyan niya. Naglakad-lakad ako sa parking lot at kaunti na lang ay susuko na nang biglang may tumapat sa aking itim na kotse.   Bumaba ang bintana nito at nakita ko dun si Roy.   “Get in.” aniya at dala ng kaba kaya agad kong binuksan ang pinto sa gawi ng passenger seat at nang makasakay na ako ay mabilis niya nang pinaharurot ang kotse palayo sa club na iyon.       Nagising ako sa marahang pagyugyog sa balikat ko. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko only to see Roy’s handsome face leaning towards me. Nakita kong unti-unting umarko ang labi niya, giving me a twisted smile.   “Good morning.” He said.   Nang magsalita siya ay doon pa lamang ako nahimasmasan. Inikot ko ang aking paningin sa labas ng sasakyan pero panay talahib at matataas na damo lamang ang nakita ko.   God! Nasaan ako?!   Agad ko syang itinulak pabalik sa upuan niya. Kahit anong gawin kong pag-alala ay hindi ko talaga alam ang lugar kung nasaan kami ngayon.   “Nasaan ako? Saan mo ko dinala? Anong lugar ‘to?!” Sunod-sunod kong tanong dahil ninenerbyos ako.   “Calm down, I’m not gonna hurt you.” Parang wala lang na sagot niya at saka ini-start ulit ang sasakyan. “We’re almost there.”   Nilingon ko siya. “Almost where?”   “Our hide-out.” Aniya na labis ikinagulo ng isip ko. Hide-out? What the f**k?   Doon na ako tuluyang nataranta.   “T-teka, ano bang hide-out ‘yang sinasabi mo? Wala naman tayong napag-usapan na dadalhin mo ‘ko dito, a!” Tumingin siya sa’kin at saka tinaasan ako ng kilay.   “Yeah? Well, I tried to wake you up, but you kept on sleeping. What was I supposed to do then? Wait until you open your eyes?” He asked pointedly at gustong-gusto kong magwala! Ako pa talaga’ng sinisi niya?    “Kahit na! Dapat niyugyog mo ako hanggang magising ako!” katwiran ko. Inirapan niya ako. What? Abat ang sungit ng lalaking ito, ah!   “I don’t do that. It won’t change a thing anyway. We’re already here.” Sabi niya.   Noon ko lang napansin na nakahinto na pala ang sasakyan. Tiningnan ko ang tinutumbok ng kotse. Isa iyong luma at napakalaking warehouse. Nakasarado ang gate kaya tumingin ako sa katabi ko. Magsasalita pa lang sana ako para sabihing hindi kami makakapasok dahil nakasara ‘yung napakataas na gate nang bumusina siya. Parang may pattern ‘yung busina at ilang segundo lang, may agad nagbukas ng gate. Tuloy-tuloy naman kami sa loob.   Ipinark muna niya sa isang banda ang kotse, hindi ko malaman ang gagawin ko kung lalabas ba ng sasakyan o magi-stay sa loob. Naramdaman ko nalang na bumukas ang pinto sa tabi ko.   “Out.” Utos niya. Para akong robot na sumunod sa kanya at saka lumabas ng kotse. “Follow me.” He said bago naglakad. Para naman akong tuta na bumuntot sa kanya hanggang sa pumasok siya sa isang kwarto doon.   Habang lumalakad ay tahimik akong nagmasid. Napansin ko kasi na isa itong malaking warehouse, pero may mga ginawang parang kwarto na sa bilang ko ay nasa walo. Isa sa mga kwarto na iyon ang papasukan namin ngayon. Tuloy-tuloy lang siya sa loob kaya pumasok na rin ako. Agad niyang ni-lock ang pinto.   “Where’s the box?” Tanong niya agad. Tumaas ang dalawang kilay ko.   “Where’s my price?” sagot ko naman sa kanya.   Alam kong nasa alanganin akong sitwasyon pero sa hindi malamang dahilan ay hindi ko magawang matakot na sa kanya.   Para siyang na-amuse sa inakto ko. Kinuha niya ang attaché case at binuksan iyon bago nagbilang ng pera. Napalunok ako, hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Sa isang gabi lamang ay talaga bang makakakuha ako ng isandaang libong piso?   Matapos magbilang ay inabot niya sa akin ang pera. In cash! Napalunok ulit ako pagkakita no’n. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako makakahawak ng ganito kalaking pera! At cash pa!   “That’s 120,000 pesos.” Aniya. Napatingin ako sa kanya at nagtataka.   “P-pero diba ang usapan, 100,000 lang?” tanong ko. Hindi sa nagrereklamo ako, pero ayokong isipin na dahil sa kabaitan kaya niya ako gustong bigyan ng bonus.   “You don’t want it?” he asked, c*****g an eyebrow.   “G-gusto, kaso ang bait mo naman yata?” sabi ko habang nakanguso.   Bigla siyang bumunghalit ng tawa sa sinabi ko.   “What? Mabait” ulit niya habang natatawa pa. Tumango ako, nawiwindang dahil sa pagtawa niya.   “Oo, kasi binibigyan mo ako ng bonus.” Paliwanag ko.   He shook his head. “Hindi ako mabait. So, where’s the box?”   Binuksan ko ang bag ko at saka inilabas ‘yung box na hinahanap niya at pagkatapos ay inabot ko iyon sa kanya. Pagkakuha no’n, tiningnan niya muna itong mabuti bago binuksan. Nang masilip ang nasa loob ay inilapag niya ito sa lamesa malapit sa gilid ng kama at saka kinuha ang kamay ko at inakay palabas ng kwarto.   Sunod siyang kumatok sa kabilang pinto at iniluwa no’n ang isang magandang babae.   “Roy? Bakit?” mabilis na tanong nung babae na parang napaka-alerto.   Maputi ang babae at may kaiksian ang buhok. Siguro nasa 5’4 ang height niya at sexy din ang pangangatawan.   Hindi sumagot si Roy at tiningnan lamang ako. Mukha namang nakuha na ito ng babae.   “Oh! Newly hire? Tss. Akala ko naman kung ano na.” Umikot ang mata ng babae.   “Show her around, Dea. Tell her what she needs to know. I’ll meet you later at 9am sharp.” Utos ni Roy bago walang paalam na bumalik sa kwarto niya.   Bumuntong-hininga naman ‘yung babae na ang pangalan daw ay Dea.    “Sus, e ano pa nga ba?”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD