LUMIPAS ang isang buwan tuluyan ng gumaling ang mag-amang Art at Andrei. Kaya naghatid ng taos pusong pasasalamat ang mag-ama sa mahal na reyna. Pagdating nila sa mansion Mondragon, naramdaman ni Andrei ang pag-iisa. At hindi mapigilan maiyak ng malaman na namatay ang isa sa anak na kambal. “Anak, masakit din sa akin ang nangyaring yon sa aking apo. Pero huwag mo na yon isipin lalo ka lang mahihirapan. sikapin natin tanggapin na wala na ang isang kambal. Ang planuhin mo kung paano sila mababawi. Lalo na ang apo ko na si Matt, lumalaki na siya at dapat naririto siya sa atin.” “Opo, dad hindi talaga ako papayag. Kahit anong mangyari ay iuuwi ko sila dito sa mansion.” Tumango na lang kay Andrei ang ama. Pero kahit halos ikamatay nila ng ama ang nangyari sa kanila. Nagpasalamat pa rin si A