TUMIGIL na ang pagdurugo ng ulo ni Yza Isabel. Pero nag-suggest ni Cathy na dalhin ito sa ospital. Upang mapa CT scan para makakasiguro na walang internal bleeding. “Pero bakit hindi pa rin siya nagigising, Cath?” hindi mapalagay si Andrei kung ano-anong pumapasok sa isipan niya. “Hayaan mo lang siya, Kuya Andrei, baka nakatulog lamang siya. Mas mabuting dalhin na lang siya sa ospital.” kahit ang totoo ay alam ni Cathy na hindi naman nawalan ng malay si Isabel. Ayaw lang niya itong ibuking. Sakay ng chopper si Yza Isabel at si Andrei mismo ang piloto. Dahil kung hihintayin pa ang piloto ng mga Montemayor, mamaya pa sila makakaalis. Nasa tabi niya ang bayaw na si Dale, habang naroon sa likuran si Cathy at Yza Isabel. “Relax ka lang bayaw, magiging okay din ang lahat.” “Alam mo ang tun