HINDI inaasahan ni Andrei na kaarawan ng anak ni Manong Lando kaya nag imbeta ito sa kanila. Ganun pa man ay naroroon na sila kaya tumuloy na sila sa loob. “Marisa, anak narito si Boss Andrei at kasama niya ang kaibigan niya si Sir Jade.” “Pasok po kayo mga sir.” “Pasensya ka na Risa, wala man lang kaming dalang regalo, happy birthday pala.” “Ayos lang po yon, sir Andrei, pasok na po kayo.” “Sige maiwan muna namin kayo.” paalam ni Andrei sa lahat. “Sistah, grabe sino ang mga yon, para silang mga hollywood actor, gwapo nila.” “Akala ko nga kanina malik mata lang, bakit sila naririto? Ang ibig kong sabihin probinsya ito at hacienda… teka huwag mong sabihin na sila ang may ari ng magkakaratig hacienda dito sa ating lugar?” “Oo, Montemayor yung lalaking long hair. Tapos si sir Andre