NAKARAMDAM ng takot si Monaliza, sa nakikita ng reaksyon ni Matt, ngayon lang niya nakita na ganito katindi ang galit ng kinakapatid. “Itong lalaking ‘to ang boyfriend mo?” Duro niya sa lalaking matangkad na kahit pangalan hindi niya alam. “Yeah, siya nga walang iba!” taas noo niyang sagot kay Matt sabay siko sa katabi. “F*cker! Totoo ba ang sinabi niya?” Sa narinig ay tumingala siya sa lalaking katabi. Nakikita sa mukha nito ang kakaibang ngiti. “Oo sabi ko naman sayo, Mondragon isang kindat ko lang sa babae magiging akin na agad.” Tumaas ang kilay ni Monaliza sa sinabi ng lalaki, my kayabangan din pala. Pero ano ang napapansin niya sa dalawang lalaking ito. Magkaibigan ba o magkaaway?” “Gumaganti ka dahil ako ang pinili ng babaeng niligawan mo?” kuyom ang kamao ni Matt habang naggag