TINAWAGAN ni Andrei ang ina na kasalukuyang nasa bansang Britain. “Mom… I mean inang reyna, I need your help.” “Ano yon anak, sige sabihin mo at nakikinig ako.” “Kailangan ni Daddy ng makakasama sa pagpapatakbo ng mga kompanya. Aalis ako at matatagalan bago makabalik. Matanda na si Daddy at dapat lagi siyang may kasama.” “Tell me, Andrei, anong nais mong tulong?” Kahit isa sa mga prinsipe sana kung pwede na samahan muna si Daddy?” “Okay, kakausapin mo ang kapatid mo, at ang mahal na hari. Tatawagan agad kita pagkatapos namin mag-usap.” “Maraming salamat, inang reyna.” “Walang anuman anak, ahm… saan pala ang punta mo at bakit matatagalan ka bago makabalik?” “K-Kailangan ko po munang mag paka layo-layo para kahit papaano mabawasan ang sakit dito sa aking dibdib.” “Tungkol ba ito s