SUNSET, napakaganda kaya isinantabi muna ni Monaliza ang problema sa kanyang kinakapatid na si Matt. Nakasandal siya sa wall habang nililipad ng hangin ang mahaba niyang buhok. Kanina matapos maligo ay naisipan lumabas ng cabin. At bumulaga sa mga mata ang ganda ng paligid. Kaya sinamantala niyang pagmasdan ang palubog na araw. “Pumasok ka na sa loob malamig na ang hangin at baka sipunin ka pa.” hindi niya nilingon si Matt, bagkus ay mabagal siyang humakbang palayo dito. Noong bata siya, lagi niyang hinahangad sumakay sa barko. Dahil sa magazine lang niya nakikita kung gaano kaganda ang cruise ship. Iniimagine pa nga niya na siya yung babaeng bida sa movie na Atlantic Titanic cruise ship. Tapos si Matt ang lalaking mahal na mahal niya. Pero ng maging dalaga na siya at nakaranas masak