DUMATING sila ng palasyo at nadatnan nila na nagwawala ang isang kambal. Ang amang hari ay nakatingin lang dito at naluluha. Sinusubukan itong pigilan ng mga royal guard ngunit sinaway ng amang hari. “Hayaan nyo siya basta huwag lang niyang sasaktan ang kanyang sarili.” Ngunit hindi nakatiis si Yza Isabel, lumapit siya at malakas na sinigawan ang anak. Tumigil naman ito at tumingin sa kanya, pagkatapos ay umiyak. Agad na lumapit si Andrei at niyakap ito. “Anak, tama na please, makinig ka sa sasabihin namin sayo. Kami ang tunay mong pamilya at hindi ang mga taong nagpalaki sa inyong dalawa.” “Hindi ako naniniwala sa inyo! Kung kayo ang pamilya namin ni Kuya bakit kami nawala sa inyo? Mayaman kayo ‘di ba ang laki ng palasyo na’to pero hindi nyo kami nagawa ng hanapin?” “Dahil pagkapa