NANG magising si Andrei ay wala na ang asawa. Ngunit may mahalaga siyang meeting kaya kahit nais niyang hanapin si Yza Isabel ay pinagpaliban niya. Kaya lang ng dumating ang hapon ay hindi nita inabutan sa bahay si Yza Isabel. Tinawagan ang mga kasambahay at tinanong ang mga ito. Subalit walang kahit isa ang nakakaalam. Ang sabi pa ng mga kasambahay kahapon pa ang huling kita nila kay Yza Isabel. Ibig sabihin mula ng magising siya kaninang umaga. Hanggang sa mga oras na yon ay hindi pa rin nakabalik ng bahay ang kanyang asawa. Sinubukan niyang tawagan ito sa cellphone nito ngunit naka off ang linya. Sa huli ay tinawagan ang telepono sa mansyon Baguio pero wala rin sumagot. At nag-alala na siya ng husto kaya agad na nagpalit ng kasuotan bago tinawagan ang piloto. “Maghanda ka at lilip