MAGKAHARAP si Monaliza at Matt, pero walang isa man ang nagsasalita. Ilang minuto na ang nakakalipas nananatiling nakasara ang bibig nila pareho. Kundi ba nag ingay ang cellphone hindi sila gagalaw. “Sandali lang sasagutin ko ang tumawag.” paalam ni Monaliza. “Sige, take your time.” sagot ni Matt, may kasama pang tango. Habang wala si Monaliza, tumayo si Matt, lumapit siya sa mga frame na naroon. Mga kuha ng dalaga habang naglalaro ng golf katabi si Don Agustin. “Kung anuman ang sasabihin mo ay simulan mo na dahil aalis ako.” lumingon si Matt, bago humakbang at bumalik sa upuan. Ganun din ang ginawa ni Monaliza, muling naupo sa harapan ng binata. “Talk.” utos pa nito kay Matt. “Tungkol sa kasal nyo ni Prince Theo, hindi na matutuloy.” “Bakit ano ba ang nangyari at kailan pa na kansel