KAKAUNTI lang ang laman ng plato ni Monaliza. Magmula ng tumaas ang kanyang cholesterol umiwas na siya sa mga pagkain. Laging gulay at isda ang kinakain niya. Ngunit nasa handaan siya at kapag ganito karamihan ay meat at seafoods ang mga pagkain. Meron din naman siyang allergy sa hipon, pusit at alimasag. Kaya hindi rin siya pwede sa mga ganun pagkain. “Hija, anong nangyayari bakit ganyan lang ang kinakain mo?” tanong ng kanyang Ninang Yza Isabel. “Hindi na po pwede sa akin ang mga dati kong kinakain.” Matapat niyang sagot dito. “May sakit ka ba?” makikita ang pag-alaala sa mukha ng Ninang Yza Isabel niya. “Mataas na po ang cholesterol ko at meron naman akong allergy sa mga seafoods.” Muli niyang sagot dito. “Kaya pala ang payat mo na ang akala ko on diet ka lamang. Sapagkat gusto mon