Chapter 38 3rd Person's POV Hindi alam ni Nathan pero after 'non palagi na siya pumupunta sa park. Naglalaro sila ni Nero kapag nagkakaabutan sila doon. "Dito ka ba nakatira?" tanong ng batang si Nathan. Nakaupo si Nero sa taas ng slide at nakatayo si Nathan sa ibaba. "Hindi eh. Sa malayo ako nakatira," ani ng batang si Nero. Sa sobrang layo 'non 6 hours binabiyahe niya araw-araw para makarating doon. Hindi niya na naabutan si Nathan kasi minsan may traffic. Sa mga panahon na iyon pinipilit pa din niya ang parents niya na ibili siya ng bahay malapit sa area na iyo. Ayaw naman ng parents niya kasi squater area iyon. Tumatakas lang siya since laging wala naman ang parents niya sa bahay. "Pwede ba ako mag-over night sa inyo?" tanong ni Nero. Nabitawan ni Nathan ang hawak na laruan

