Chapter 28 3rd Person's POV "1 gold coin sa isang gabi lang? Saan ka nakakuha ng ganito kalaking halaga?" tanong ni Serkan. Binigay iyon ni Yadiel sa kapatid niya. Sa isip ni Yadiel iipunin niya muna iyon— kapag nakaipon na siya tiyaka niya sasabihin ang totoo. "Tip— nagtrabaho ako ng isang gabi sa isang restaurant. Tagatapon ng basura at tagahugas— nagbantay din ng restaurant," ani ni Yadiel. Kumunot ang noo ni Dion. "Whatever, bumili na muna tayo ng gamot nina Amanda at makapal na kasuotan para sa kanila." Bahagyang nakahinga si Yadiel. Hindi na kasi nagtanong ang kapatid na si Serkan. Binuhat nina Dion at Serkan ang mga kapatid na babae at tumungo sa bilihan ng gamot. Binili nila ng gamot ang dalawang kapatid then pumunta sila sa isang maliit na shop. Bumili doon ng mga ord