Chapter 26 3rd Person's POV Nagkaroon kasi ng problema si Nathan sa kidney. Inioperahan ito at after 'non todo alaga dito si Nero ni ayaw na nito pagtrabahohin ang lalaki. Takot na takot ito lalo na ng ma-confine si Nathan dahil sa ilang komplikasyon. Malaki ang impact 'non kay Nero lalo na at may namatay silang kaibigan. Kahit okay na si Nathan ay hands on pa rin dito si Nero. Hinahayaan na lang ito ni Nathan kahit madalas napag-aawayan nila iyon ni Nero. "Kukuha lang ako ng yelo at baso," ani ni Nero. Nagpaalam si Nero sandali. Tinungo nito ang pinto at lumabas. "Aksidente ko narinig ang usapan niyo ni Nero kanina. Bakit mo naitanong iyon?" tanong ni Nathan. Kumpara kay Nero mas active ang awareness ni Nathan sa bagay-bagay. "Nalaman ko kay Portia na sinasaktan ka din ni Nero

