Chapter 05 3rd Person's POV Hinabol si Mike ni Nero. Napatigil si Mike at lumingon. Tinanong kung totoo nga iyong sinabi nito na hindi siya magiging Ferrer. "Ni-reject ko ang offer ng mga Ferrer," sagot ni Mike. Tinanong nito ang about sa secretary. "May connection lang ako sa kanila dahil kay Hestia and that's it. Nagmamagandang loob ako dahil binayaran nila ang hospital fees ko," dagdag ni Mike. Humingi ng tawad si Nero. "Para saan?" tanong ni Mike. Sinabi ni Nero na nagagalit sa kaniya si Hector dahil nga sa adoption thigy. Mahirap magtiwala si Hector sa ibang tao dahil sa nangyari na insidente. "Ayos lang iyon," sagot ni Mike at tumalikod. Naglakad na paalis si Mike. Hindi maintindihan ni Nero kung bakit napakalayo ni Mike sa impormasyon na nakalap nito tungkol sa mga Tri