Chapter 26 3rd Person's POV Sa pakikipaglaban kusang kumikilos ang katawan ni Sebastian ngunit iniiwasan niya talaga na pumatay ng tao. Nakapikit siya habang nakikipaglaban— ayaw niya makakita ng dugo. "Ina!" Naimulat ni Sebastian ang mata. Nakita niya ang espada ng kalaban na patungo sa leeg niya. Napaatras si Sebastian— tumalsik ang espada ng kalaban matapos salagin iyon ni Taio. Hinarangan siya ng apat na konsorte. Hinabol ni Sebastian ang hininga at tinakpan ang bibig gamit ang likod ng mga palad. Tumawa ang mukhang pinuno ng mga bandido. "Hindi ako makapaniwala na magagawa mo ngayon magtago sa saya ng mga babae na iyan. Ngayon lang ako nakakita ng kasing duwag mo na emperor," ani ng isa sa mga bandido. Alam ng bandido kung sino siya. Nawalan ng expression si Sebastian