Chapter 37 3rd Person's POV Napatigil sina Hector matapos makita sina Sebastian. Nakasandal si Sebastian sa sasakyan. Muntikan ito hindi makilala ni Hector kasi nagbago ito ng hair cut. Umayos ng tayo si Sebastian na may hawak na bulaklak at naglakad palapit kay Hector. Agad na tumabi ang mga estudyante at sinundan ng tingin si Sebastian. "Alam ko galit ka at nagtatampo. Isang linggo kitang hindi nakausap kaya here— nagdala ako ng bulaklak," ani ni Sebastian at inabot iyon kay Hector. Todo pigil naman ng tawa sina Draven dahil doon— halata kasing pang-asar lang iyon ni Sebastian. Tinabig ni Hector ang bulaklak at hinalikan si Sebastian in public. Napatanga si Sebastian— nagtilian ang mga babae matapos makita iyon at agad na inangag ang sari-sariling phone. Tinulak ni Sebastian si