Chapter 11 3rd Person's POV Hindi alam ng batang si Hector kung bakit kailangan niya magsuot ng maskara sa pag-aakalang parte iyon ng tradisyon ay hinayaan niya lang ito. Naglakad siya patungo sa isang altar. Doon nakita niya ang emperor. Hindi maiwasan ng batang lalaki ang ma-excite matapos makita ang ama. Ilang taon niya din hinintay ang pagkakataon na iyon para makita niya ang ama. Nang nasa harap na siya ng priest— lumuhod si Hector. Puno naman ang galak sa mukha ng empress matapos tanggalin ni Hector ang kaniyang maskara. Nag-angat ito ng tingin. Kahit ang priest ay hindi maiwasan mamangha matapos makita ang magandang mukha ni Hector. Dumilim ang mukha ng emperor matapos makita ang batang lalaki at kasalukuyang binabasbasan. Hindi naman mapawi ang ngiti sa labi ng empress