Chapter 37 3rd Person's POV Kasalukuyang nakikipagtawanan si Yadiel na sa kapatid na si Sachi at Kane nang may mga mamataan silang mga tao na bumaba sa kabayo na nasa main gate. May nga bumaba sa karwahe at nakita nila sina Taio. "May mga bisita?" ani ni Kane ang pang-anim na prinsipe. May selyo ng west ang karwahe. Napatigil si Yadiel at napako ang tingin sa isa sa tatlong lalaki na ansa kabayo nang bumaba ang isa dito at binaba ang hood. Ang mga kulay ng mata nito at style ng buhok ay sobrang pamilyar sa kaniya. Napatanga si Yadiel at agad na hinila ang mga kapatid paalis doon. "Saan tayo pupunta? Hindi ba natin babatiin sina Taio?" tanong ni Kane. Sinabi ni Yadiel na marami silang pagkakataon. Maya-maya napatigil si Yadiel. Imposible naman siya makilala nito diba. Iba na