Chapter 33 3rd Person's POV Binunot ng mga tauhan ng mga Ferrer ang espada nila. Malinaw ang natanggap nilang utos sa mafia boss. Hulihin ang drug lord— kahit pa nasa teritoryo ito ng mga Apostol kailangan nila makuha ang drug lord. Napatigil ang lahat matapos may dumating pa na tatlong sasakyan. May bumaba na limang lalaki— napaluhod ang mga apat na grupo na dumating lang kanina. Except sa apat na nasa unahan ng mga ito at sa mga gwardya na yumuko lang. "Kayong apat— ayoko ng makikita ang mga mukha niyo sa grupo," ani ni Sebastian. Nagulat ang apat doon— lumuhod ang mga ito at tiningnan si Acer na parang sinasabing tulungan sila. "Iyon ang sabi ng former mafia boss. Ano pang ginagawa niyo dito— alis," ani ni Acer. Tumayo ang apat na grupong dumating kanina at parang mga robot na s