Chapter 35 3rd Person's POV "Sigurado kayong aalis na kayo?" tanong ni Kei. Ngumiti si Sebastian at sinabing hindi sila pwede magtagal doon. "Siguradong kumikilos na si Hector para humanap ng mga ebidensya. Hindi pwedeng nandito lang ako," ani ni Sebastian habang nasa gitna sila ng gubat. Bumuga ng hangin si Kei at sinabing mag-iingat sila. "Kung may mangyari 'man o kailangan niyo ng tulong ko tawagan niyo lang ako," ani ni Kei. Napangiti si Sebastian at sinabing hindi niya makakalimutan na niligtas sila nito. Kumaway si Kei. Tinitigan siya ni Acer bago tumalikod. "Hindi na ako magpapaalam dahil sigurado akong malaki ang probability na bumuntot ka pa sa amin," bulong ni Acer. Gumusot ang mukha ni Kei matapos marinig iyon. Sumakay sila sa sasakyan na inarkila ni Kei para sa kani