Chapter 61 3rd Person's POV "Anong ginagawa mo dito? Bakit mo ako dinala dito?" tanong ni Polaris. Mas lumaki pa ang ahas. Umatras ang babae. "Iyan dapat ang itatanong ako sa iyo. Anong ginagawa mo dito— nasaan sina papa," ani ng ahas. Mas tumingkad ang kulay ng mga mata nito na kinataas ng balahibo ni Polaris. Ibig sabihin hindi ang ahas ang nagdala sa kaniya doon. Napatigil si Polaris matapos maalala na nawala ang ahas. Sinabi ni Hector na nanghihina na ang ahas. "Oh my god! Ibig sabihin kaya ka nandito ay dahil buntis na ako!" sigaw ni Polaris. Sinabi ni Polaris sa bata na siya ang dapat magsisilang kay Hetian. "Bakit ako maniniwala sa iyo?" tanong ng ahas. Napamura si Polaris. "Kasi ako lang ang way para makasama mo ang parents mo at hindi ka maglaho!" sigaw ni Polaris. Hin

